I-FLEX
ni Jun Nardo
ABANGERS ang mga faney sa social media post ni Claudine Barretto sa pagbisita niya sa puntod ng yumaong aktor na si Rico Yan nitong Undas.
Ginagawa ni Claudine ang posting ng pagbisita niya. As of this writing, ang latest post ng aktres ay ang character niya bilang Diamond sa Totoy Bato series.
Baka binawalan na siya ni Milano Sanchez na balitang suitor ni Clau ngayon?
Naku, abangan na lang ninyo baka bisi-bisihan lang si Claudine kaya hindi pa nakabisita sa puntod ni Rico.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com