Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP).

Ang sindikato ay gumagamit ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, makapanlinlang sa publiko, at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno.

Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang Baby S. a.k.a. Linda Somera na dating staff member ng ex-congresswoman na si Josephine Sato.

Gumagamit umano si Somera at ang kanyang mga kasamahang sina Jorie Ebus ng mga gawa-gawang organisasyon, kabilang ang Samahang Magbubukid at Maralita ng Pilipinas (SMMP), para magsampa ng mga walang basehang reklamo laban sa mga opisyal ng DA at PRDP.

Natuklasan sa mga pagsisiyasat na nabiktima ng grupo ang maraming kontratista sa pamamagitan ng paghingi ng bayad mula ₱2 milyon hanggang ₱5 milyon kapalit ng mga pekeng garantiya ng proyekto.

Ilang kontratista ang lumantad, na sinasabing nalinlang at pinansiyal na sinira ng scam.

Isang contractor sa Mindoro umano ang namatay dahil sa matinding stress at frustration matapos dayain ng sindikato.

Nagpakalat din umani ang mga scammer ng mga pekeng sulat at dokumento para suportahan ang kanilang mga claim. Ang isang naturang liham, na nilagdaan ng isang indibiduwal na kinilala bilang si Dimalanta, ay inakusahan si Assistant Secretary U-Nichols Manalo at iba pang opisyal na nakikisali sa mga transaksiyong “mala-mafia” para sa mga pag-aproba ng proyekto.

Gayonman, kinompirma ng mga awtoridad na ang mga paratang na ito ay walang batayan at bahagi ng isang detalyadong pamamaraan ng pangingikil.

Mariing kinondena ng Department of Agriculture at ng PRDP ang smear campaign at mga mapanlinlang na aktibidad, na binigyang-diin na gagawin nila ang lahat ng kinakailangang legal na aksiyon laban sa mga responsable.

Hinimok din ng mga opisyal ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na pabilisin ang isinasagawang imbestigasyon at bigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga salarin. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …