I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPOS mag-ingay sa issues sa dating asawa na si Raymart Santiago, nagpasabog ng bago si Claudine Barretto na may kinalaman sa personal life niya.
Lumabas sa isang online entertainment site ang matamis na picture niya kasama ang brother ni Korina Sanchez na si Milano Sanchez.
Sa isang picture, ayaw muna mag-face reveal ang lalaki na nakayakap sa leeg ni Claudine pero sa second pic, may face reveal na si Milano.
She is not Claudine Barretto for nothing na parang walang kinasangkutang issue nitong nakaraang araw with Mom Inday Barretto, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com