Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dustin Yu SRR Evil Origins

Dustin Yu sa karakter sa SRR: Evil Origins: Mararamdaman mo iyong puso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MASUWERTE talaga itong si Dustin Yu. Tatlong taon pa lang sa showbiz pero kabi-kabila na ang naging proyekto at gagawin sa tulong ng Regal Entertainment at ng kanyang home studio.

Bago pa pala siya napasok sa PBB, nabigyan na agad siya ng projects ng Regal. Kumbaga, pinagkatiwalaan na siya agad. Naisama na siya sa Guilty Pleasure nina Lovi Poe at JM de Guzman gayung wala pa siyang pangalan. Naisama rin siya ng kung ilang beses sa Regal Studio Presents

Talagang andoon ang buong support ni Ms Roselle at ng Regal sa akin,” giit ni Dustin.

Kaya naman naiintindihan namin kung bakit ganoon na lamang ang pasasalamat ni Dustin sa Regal. Nalaman pa naming idolo niya si Ms Roselle Monteverde dahil isa ito sa nakapagbigay sa kanya ng maraming proyekto para maipakita ang talento sa pag-arte.

Sobrang hands on din sila at naa-appreciate ko ang production kung paano sila kumilos. ‘Yung strategy nila, decision making nila. Naiiba talaga. Kudos to Ms Roselle and sir Keith (anak ni Ms Roselle), sobrang hangang-hanga ako sa kanila.

Gusto ko na ngang makipag-co-prod sa kanila next time, joke lang,” nangingiting turing ng Marketing student sa UST nang makausap namin ito sa lunch tsikahan sa kanyang restoran na Eraya na nasa Guevarra cor Wilson St.,San Juan.

Isa si Dustin sa bida sa Metro Manila Film Festival 2025 entry ng Regal Entertainment, ang Shake Rattle and Roll: Evil Origins kasama sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi. Sila ang bibida sa future episode ng pelikula.

Pagbabalita pa ni Dustin, paglabas na paglabas niya ng Bahay Ni Kuya ang paggawa ng SRR: Evil Origins ang ibinalita sa kanya ng kanyang management na gagawin niya.

Paglabas ko ng PBB ito na agad ang bumungad sa aking balita. Sabi ko ‘wow!.’ Tapos the next day sinabi sa akin na ipapasok sa MMFF. So, parang dumagdag iyon sa excitement ko kasi first time ko sa MMFF.

“Nag-‘SRR’ na ako two years ago, ang role ko roon zombie. This time sobrang layo sa dati kong role. Ito ngayon, may character talaga, Mararamdaman mo iyong puso ng character ko and bida na pala ako,” nawika ni Dustin na tila may pagtataka.

Kaya talagang sobra-sobra ang pasasalamat ko habang binabasa ko. Na-realize ko pa na mahirap pala ang horror kasi may drama, in a way may light na eksena may pagka-thriller siya mahirap siya, may iba’t ibang emosyon,” dagdag pa ng binata.

Ginagampanan ni Dustin ang karakter ni Ian na well connected sa mga kasama niya sa episode sa SRR: Evil Origins. Ito iyong 3rd episode o oyong future episode.

Sinabi pa ni Dustin na masaya siya na makatrabaho ang dalawa lalo si Richard na napaka-down to earth.

Hindi ko inaasahan na ganoon siya kagaan katrabaho para ko siyang kuya. In a short period of time nakapag-bonding kami at sobrang down to earth ni Kuya Richard. 

“I just wish na makita iyon ng tao kasi kapag tiningnan mo si Kuya Richard, very intimidating.

May pagka-Gen Z nga rin siya eh. Bata siya na minsan siya pa ang nagli-lead. Napakagaan niyang katrabaho. Before kami mag-taping na-build namin iyong connection na parang magkapatid,” proud na proud na kuwento ni Dustin kay Richard.

Kaya naman nakungkot siya nang matapos na ang kanilang shoot. 

Baka sa promo na kami uli magkita.

“Napaka-tao pa ni Kuya Richard,” aniya pa.

Si Ivana naman nakasama ko na sa ‘PBB’ at sa pelikula ibang Ivana naman ang nakita ko. 

“Magaling si Ivana, magaan din siyang katrabaho. Hindi rin ako naka-experience ng ilangan sa kanya kasi dahil nakasama ko na rin siya sa ‘PBB.’

“And siyempre I’m very grateful na makatrabaho ko siya siyempre Ivana Alawi ‘yun. And talagang nakita ko rin naman na tin-ry niya iyong best niya sa pag-aksiyon-aksiyon  niya,” paglalarawan naman ni Dustin sa aktres.

Ang  SRR: Evil Origins ay mapapanood sa December 25 at isa sa walong entries sa 51st MMFF, handog ng Regal Entertainment at idinirehe nina Shugo Praico, Joey De Guzman, at Ian Loreños

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …