Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi Roselle Monteverde

Ivana Alawi ‘di naging pasaway sa shoot ng SRR: Evil Origins— Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALANG katotohanan ang kumakalat na balitang pasaway si Ivana Alawi sa shooting ng pelikulang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins. Kumbaga napakalaking fake news ito!

Isa ang Shake, Rattle and Roll; Evil Origins sa official entry ng Metro Manila Film Festival 2025  mula Regal Entertainment at isa si Ivana na bibida sa isang episode kasama sina Richard Gutierrez at Dustin Yu.

Ang paglilinaw ay nag-ugat sa kumalat na chika sa social media na na-delay umano ang shooting ng pelikula dahil sa pagiging unprofessional daw ng dalaga.

Na-bash nang bonggang-bongga si Ivana at pinagsalitaan ng masasama ng mga netizen.

Kaya agad naglabas ng official statement ang Regal Entertainment hinggil sa isyu at mariing pinabulaanan.

Paliwanag ng Regal producer na si Roselle Monteverde, napaka-professional ni Ivana at walang ipinakitang hindi maganda habang nagsu-shoot.

May pagkakataon pa raw na tapos na ang shoot at nanghingi pa ng isang araw na additional ang production sa aktres at agad namang itong pumayag.

Sinabi pa ng Regal ng never ding na-late ang aktres sa mga araw ng kanilang shoot. Sobra ring sipag nito at talagang naka-focus sa pagtatrabaho.

Narito ang kabuuang statement ng Regal.

“Regal Entertainment, Inc. clarifies that recent online posts about the production of Shake, Rattle & Roll: Evil Origins and false claims involving Ms. Ivana Alawi are entirely untrue.

“The film’s production proceeded smoothly and wrapped on schedule, with Ms. Alawi demonstrating utmost professionalism and dedication throughout.

“Shake, Rattle & Roll: Evil Origins is a 100% Regal Entertainment, Inc. project — developed, produced, and financed solely by the company.

“We urge the public to avoid engaging with unverified information and to rely only on Regal Entertainment’s official pages for accurate updates.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …