I-FLEX
ni Jun Nardo
IKINUKOMPARA si Sofia Pablo sa Pinoy Big Brother alumnus dahil agad pinutakti ng hate comments ang kapapasok pa lang na Sparkle artist sa PBB 2.0.
Gaya ni Sofia, humamig din ng maraming kontra/hate comments ang PBB alumnus na noong simula hanggang pagtatapos ng unang PBB Collab.
Hindi pa rin maka-move on ang netizen sa nangyaring gusot between Jillian Ward at Sofia nang magsama sila sa ginawa nilang GMA series na Prima Donnas.
Eh iito naman kasi si Sofia, nagkuwento agad sa isang housemate na ilang taon siyang na-bully daw! Walang detalye pero hula ng netizens, nangyari ito noong panahon ng Prima Donnas.
Kasisimula pa lang, gusto agad mapag-usapan ni Sofia, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com