Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Greggy Odal Batang Pinoy Games
NAGTALA si MC Greggy Odal ng Davao Del Sur, 16 anyos ng 6.67 meter sa Under-18 Boys Long Jump sapat para angkinin ang gintong medalya sa pangalawang araw ng 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

Unang sabak sa Batang Pinoy, sumungkit ng gold medal

GENERAL SANTOS CITY – Nakitaan ng determinasyon sina MC Greggy Odal ng Davao Del Sur at Gwen Diaz ng Bohol matapos humablot ng gintong medalya sa Day 2 ng 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.

Unang sabak sa nasabing event na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman Patrick “Pato” Gregorio, pero hindi naging dahilan para masindak ang 16-anyos na si Odal at 15 anyos na si Diaz laban sa mga mas makaranasang katunggali.

Inilista ni Odal, panganay sa dalawang magkakapatid ang 6.67 meter sa Under-18 Boys Long Jump sapat upang sungkitin ang ginto sa 6-day competition para sa mga batang edad 17 anyos pababa.

“Hindi ko inexpect makakuha ng medal, first time ko lang kasi nakasali sa Batang Pinoy,” masayang sabi ni Odal na nangangarap makapag-aral sa University of Sto. Tomas sa Maynila para maging atleta.

Hinablot naman ni Diaz ang gold medal sa Under-16 Girls High Jump matapos lundagin ang 1.50h, kahapon din ng umaga.

Inamin ni Diaz na hindi niya rin inakalang makakukuha ng gintong medalya.

“Actually ang sport ko talaga ay basketball hindi ko inakalang dito ako lalaban,” saad ni Diaz.

Nakopo ni Iyobosa Eve Omokaro ng Leyte ang silver habang bronze medal ang nahablot ni Erica Faye Casumpang ng South Cotabato.

Samantala, hinablot ni International Master Christian Gian Karlo Arca ng Zamboanga ang gold medal matapos magkampeon sa Standard Chess Championship 16AC Boys.

Napunta ang silver medal kay Mark Gabriel Usman ng Laguna habang bronze ang naiuwi ni King Lanz Pamplona ng Iloilo. (PSC MCO/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …