BINAWIAN ng buhay ang tatlo katao habang isa ang sugatan nang magkabanggaan ang daalawang sasakyan sa Purok 10, Brgy. Dalipuga, lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte, nitong Lunes ng hapon, 27 Oktubre.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumangga ang isang kotseng Hyundai Accent sa isang 10-wheel truck.
Dahil sa lakas ng impact ng pagbangga, matindi ang pinsalang inabot ng harapan ng dalawang sasakyan.
Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang driver at dalawang pasahero ng kotse, habang sugatan ang isa pa nilang kasama.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Iligan Police Station 3 ang driver ng truck na nahaharap sa kaukulang mga kaso kaugnay sa insidente.
Dinala ang dalawang sasakyan sa Iligan City Traffic Enforcement Unit (TEU) para sa imbestigasyon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com