MAAGANG malalanghap ang simoy ng Pasko at kakikitaan ng kumukutitap at palamuting pamasko sa loob ng SM City Grand Central dahil Oktubre 25 sinimulan na ang pagpapailaw ng Christmas tree at magical experiences para sa mga bata.
Bubungad mula sa pintuan ng SM Grand Central ang Grand Yuletide Christmas Tree bilang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa.
Makikita rin ang Yuletide Cable Car Ride, glimmering ornaments, at ang smiling Christmas village gnomes na handang i-welcome ang mga shoppers.
Ang bawat palapag ng mall ay kakikitaan ng whimsical displays na kaakit-akit at perfect para sa photo moments. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com