INIANUNSIYO ng Manila Police District (MPD) na isasara ang ilang kalye malapit sa Manila North Cemetery at Chinese Cemetery simula 10:00 ng gabi 30 Oktubre 2025 hanggang 7:00 ng gabi ng 3 Nobyembre 2025 upang bigyang-daan ang mga bibisita sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay sa Undas.
Kabilang sa mga kalyeng ito ang Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang Aurora Blvd.; kahabaan ng Dimasalang mula Retiro St. hanggang Calavite St.; kahabaan ng Maceda mula Makiling St. hanggang Dimasalang St.; southbound lane ng Dimasalang Bridge; Aurora Blvd., mula Felix Huertas St., hanggang Matandang Sora (Chinese Cemetery South Gate).
Pinapayohan ang mga motorista na mag-reroute lalo ang mga sasakyan na manggagaling sa Dimasalang Road na daraan sa Blumentritt ay dapat kumanan sa Makiling St., patungo sa destinasyon; lahat ng sasakyang manggagaling sa Quezon City na gagamit ng A. Bonifacio Ave., ay dapat lumiko pakaliwa sa Labo St., patungo sa destinasyon habang ang lahat ng sasakyang manggagaling sa A. Maceda St., na nagnanais gamitin ang Dimasalang o Retiro streets ay dapat kumanan sa Makiling St., patungo sa kanilang destinasyon.
Magsisilbing pansamantalang paradahan naman ang P. Guevarra St., mula Blumentritt Rd., papuntang Aurora Blvd.; F. Huertas St. mula Blumentritt Rd. papuntang Aurora Blvd.; at Oroquieta St. mula Blumentritt Rd. papuntang Aurora Blvd.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com