Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices Gigi de Lana

Innervoices gustong makipag-collab kay Gigi de Lana; Inilunsad Christmas single

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NGAYON lang muli nagkaroon ng Christmas songs na rock ang tema. Sabi nga ni Rey Pumaloy kung tama siya, ang kanta ng Aegis na Christmas Bonus ang huli.

Ayon kay Atty Rey Bergado (leader st keyboardist ng grupo) hindi ito ang unang pagkakataong naglabas sila ng Christmas song.

This is our second time kasi previously ini-release namin iyong ‘Sana Ngayong Pasko,’ noong 2020, revival iyon.

Natagalan ang paggawa o pagri-release namin ng Christmas song kasi noong mga nakaraang taon sobrang busy namin sa mga ginagawa naming events and gigs. Noong 2023 may release song pero 2024 wala talaga,” paliwanag ni Atty. Rey.

So ngayong taon lang talaga kami nag-start bumalik sa pag-record ng original noong dumating si Patrick (ang bagong soloista). Kasi we talk that’s the way to go, kailangang mag-release ng mga original na song,” sabi pa ng magaling na keyboardist.

Sinabi pa ni Atty Rey na napag-uusapan na nila noon pa man ang pagri-release ng Christmas song. 

Ang Christmas song talagang spontaneous na napag-usapan na, ‘teka wala tayong Christmas song.’ So that was July, so ito na nga iyon. Tamang-tama na ngayon namin i-release at iparinig itong ‘Pasko Sa Ating Puso,’ na kaya naging rock dahil ang Pasko ay festive, masaya.”

At dahil uso ang pakikipag-collab inamin ng grupo na may plano rin sila. Nais nilang makipag-collab kina Elmo Magalona at

Gigi de Lana.

We’d like to have one with Elmo Magalona. And we’re working on a song supposed to be duet,” ani Atty Rey.

“Gusto rin naming magkaroon ng love song na makipag-duet sa isang female artist.”

Kung bibigyan ng chance na maka-duet siguro si Gigi de Lana,” singit namang wika ng kanilang bokalistang si Patrick Marcelino.

Sa mga banda naman napili ng iba pang kasama sa Innervoices na sina Rene Tecson (guitas), Alvin Herbon (bass guitar), Joseph Cruz (keybord, vicals), at Joseph Esparrago (drums, percussion, vocals) ang The Dawn.

Inihayag pa ni Atty Rey ang paghanga sa mga Gen Z singers na sumisikat ngayon.

Kung mapapansin ninyo itong mga ini-release naming kanta kakaiba siya sa mga previous release songs namin. 

“Ang nangyari talaga niyan nakikita ko sa mga bago and we realized contrary to our previous perception eh ang gagaling ng mga artist ngayon, Gen Z. 

“Akala lang namin hindi dahil iba ang maganda sa amin sa current generation. But the thing is they are so talented. They are good story tellers, ang gagaling nila. Hindi lang talent siguro at hindi kami sanay sa parang tulang kinakanta, parang Gen Z thing pero grabe ang story telling nila. 

“Tulad ng Dionella ang gagaling. So nabuksan ang isip namin na ang gagaling pala talaga nila. Kaya kami ang nag-adjust

Yes totoo nag level up din kami pero nag-adjust din kami ng kaunti lang naman,” depensa ng lider ng grupo.

Ang tinutukoy na bagong mga awitin ng Innervoices na Extended Play (EP) ay ang Shadows, isang deeply emotional collection produced under UMG Philippines Inc. sa pakikipag-collaboration sa Kalesa Entertainment.

Ang EP ay nagbibigay sa mga tagapakinig ng isang matalik na sulyap sa maraming mga kulay ng pag-ibig at pagkawala, na nagtatampok ng tatlong tracks na isinulat ni Atty. Rey at inayos ni Edward Mitra, ito ay ang ShadowsSaksi Ang Mga Tala – isang modern kundiman na ukol sa mga bituin bilang tahimik na saksi sa isang walang hanggang pag-ibig; I Will Wait for You in the Rain na paborito namin at ukol sa isang maaanghang na awit ng pasensya at katatagan, ipinagdiriwang ang isang pag-ibig na nagtitiis sa mga unos ng buhay.

Each song in Shadows is a chapter of the same story,” wika ni Atty Rey. “‘Shadows’ is about heartbreak, ‘Saksi Ang Mga Tala’ is about promises, and ‘I Will Wait For You in the Rain’ is about hope. They belong together, and they reflect the many ways love shapes us.”

Ang iba pa nilang mga awitin ay: Sayaw sa Ilalim ng Buwan, Meant to Be, Handa Na Kitang Mahalin,Galaw, Tubig Hangin Apoy Lupa, at Idlip — na naririnig na sa iba’t ibang major digital platforms.

Kilala sa kanilang tunay na tunog at masiglang pagtatanghal, ang InnerVoices ay patuloy na gumagawa ng kanilang marka sa Manila live music scene. Regular na nagpe-perform ang banda sa Hard Rock Café Makati, Hard Rock Café Manila, Bar IX, Aromata, at Noctos, na dinadala ang kanilang pop-rock energy sa parehong intimate at grand stages.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …