I-FLEX
ni Jun Nardo
DALAWANG Sparkle Girls at dalawang Star Magic Boys ang unang apat na bagong housemates sa Bahay ni Kuya sa bagong edition ng Pinoy Big Brother 2.0.
Ang 2 girls ay nagbibida na sa series na si Sophia Pablo at ang bini-build up na si Princess Aliyah.
Ang boys naman ay sina Joaquin Arce, anak ng businessman na si Neil Arce at stepson ni Angel Locsin. Ang isa pang boy ay si Miguel Vergara na tennis player.
Sa October 25 ang telecast ng PBB 2.0 at sa 24 Oras inilantad kung sino ang mga bagong PBB Housemates.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com