Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

Chair Lala Sotto pinangunahan ang panunumpa ng dalawang bagong MTRCB Board Members

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Members ng Ahensiya na sina Atty. Pedro Cesar Gabriel Atienza Solidum at Atty. Mynoa Refazo Sto. Domingo.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kanilang appointment papers noong Oktubre 6, at inilabas ng Malakanyang nitong Lunes, Oktubre 13.

Bilang mga batikang abogado, bitbit nina Solidum at Sto. Domingo ang kanilang malawak na karanasan at kakayahan para mas higit pang mapatatag ang layunin ng MTRCB na isulong ang responsableng panonood sa pamilyang Pilipino, kasabay ng pagtiyak sa proteksyon ng mga manonood, laluna ng ang mga batang Pilipino.

“Lubos kaming nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagkakatalaga kina Solidum at Sto. Domingo,” sabi ni Sotto.

“Ang kanilang malalim na karanasan ay tiyak na makatutulong sa pagpapatuloy ng adbokasiya ng MTRCB sa pagsusulong ng responsableng panonood para sa pamilyang Filipino at sa pagsuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.”

Nagpaabot din si Sotto ng pasasalamat kina Maria Marta Ines Dayrit at Zeny Mancilla para sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa Ahensiya.

“Salamat din kina BM Dayrit at BM Mancilla sa kanilang tapat na paglilingkod at taos-pusong dedikasyon sa MTRCB. Ang kanilang kasipagan at malasakit ay nag-iwan ng makabuluhang marka sa Ahensiya at sa mga taong aming pinaglilingkuran,” dagdag ni Sotto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …