I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG conflict sa Benkada na Ben & Ben sa unang sabak nila bilang magkasamang coaches sa The Voice Kids.
Aminado sina Paulo at Miguel na kabado sila noong unang sabak nila sa singing search.
“Being on TV, sobrang nakaka-ano talaga of course, may have impostor syndrome rin kasi.
“
It’s an honor to be a coach pero at the same time kinukuwestiyon din kami na kung worthy ba kami and everything. I think ‘yung nag-squash ng lahat ng ‘yun is ‘yung intention na tulungan ang mga bata na may pangarap.
“It’s an honor to be a part of that here in ‘The Voice Kinds,’” pahayag ng Ben & Ben sa isang interview.
Paano naman nila pinipili ang makakasama nila sa Team BenKada?
“We don’t communicate. It’s more na kapag na-feel na namin sa isa’ isa, ‘yun na ‘yun!
“‘Pag hindi pa. hindi pa. Ganoon kasimple. Basta we agree on uniqueness and heart kasi you can hear it and you can feel it kapag lalo na sa blinds parang if the singer is trying to convey something na bihira mo marinig and that’s what we turn for!” rason nina Paolo at Miguel.
Malapit nang mabuo ang mga kids na magiging bahagi ng teams sa The Voice Kids.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com