Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Rekonek Julia Barretto Dondon Monteverde

Gerald movie producer na; Ngiti isinagot sa pagrekonek nila ni Julia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SINUBUKAN na rin ni Gerald Anderson ang pagiging producer. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-collab o partner sa Reality MM Studios.

Mula sa pagiging aktor, na naging direktor sa 

primetime series niya sa Kapamilya, ang Sins of the Father, prodyuser na rin si Gerald sa pamamagitan ng kanyang The Th3rd Floor Studios na nakipag-collab sa Reality MM Studios nina direk Erik Matti at Dondon Monteverde para iprodyus ang Rekonek, isa sa walong entries na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Pangarap ko talaga ay makapag-produce ng iba’t ibang klaseng proyekto,” pahayag ni Gerald sa isinagawang pocket press conference noong Lunes sa Reality MM Studios ofc.

“Gusto ko ring makapagbigay ng maraming trabaho, makapag-contribute sa cinema ng Pilipinas.

And in the future, kahit hindi ako ‘yung bida, makapag-direhe ako ng isang pelikula at isang proyekto. Marami pang oportunidad na ibinibigay sa atin. Ako naman ‘yung taong ayaw sayangin ‘yung pagkakataon,” giit pa ni Gerald.

Aminado si Gerald na hindi madali ang mag-produce lalo sa usaping panabalapi sa paggawa ng pelikula. At ang pinakalamaking challenge ay ang ukol sa budget.

If you want a good or big project, you also need money. Money, that’s one of the biggest challenges as a producer. So I was hoping that this would be our first project and that it would be successful,” anang aktor/prodyuser.

Anang Kapamilya actor, hindi siya dapat humingi ng tulong sa ibang tao, lalo ang tulong sa pananalapi para maisakatuparan ang proyekto.

I don’t like asking anything from other people. But as a producer, we need to…so when someone trusts you with their money, you want to give the best project for them,” esplika ni Gerald. 

Sa kabila ng mga hamon, inamin ni Gerald mahilig siya sa challenge naya naman pinasok niya ang pagpo-prodyus. 

Mahilig ako sa challenge. Hindi rin basta-basta makapasok ng MMFF. So I think this is the best time to test the waters as a producer,” giit pa ng aktor.

Ang pelikulang Rekonek na isa rin sa bida si Gerald ay tumatalakay sa buhay ng iba’t ibang indibidwal na nakaranas ng pandaigdigang internet outage 10 araw bago ang Pasko. 

Ayon kay Dondon, relatable sa lahat ang pelikula dahil may unibersal na appeal, at talagang makakakonekta sa mga manonood.

May mga tao sa buhay natin na we should reconnect with, may mga hindi.

May mga kasama lang sa journey natin, parang passers-by lang.

“There’s also times na you have to grow to become better people and reconnect somewhere in time,” wika ni Gerald.

Sa kabilang banda, hindi naman sinagot ni Gerald nang matanong kung paano silang nagrekobek ng girlfriend na si Julia Barretto.

Ngumiti lamang si Gerald at ang kanyang co-producer na si Dondon ang sumagot kung bakit ang Rekonek ay akma sa manonood. 

Noong nakaraang buwan, kinompirma ng kanilang management camp na hiwalay na ang dalawa, pero pagkaraan ng linggo, nabalitang nagrekonek ang dalawa.

Bukod sa Rekonek, alabas din si Gerald sa sequel ng Buy Bust sa ilalim din ng Reality MM Studios.

Ang Rekonek ay idinirehe ni Jade Castro, at pinagbibidahan ng pamilya Legaspi (Carmina, Zoren, Cassy, at Mavy), Andrea Brillantes, Bela Padilla, Kelvin Miranda, Charlie Dizon, at Gloria Diaz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …