CAGAYAN DE ORO CITY— Inuga ng magnitude 6.2 lindol ang Surigao del Norte ganap na 7:03 am ngayong Biyernes, ayon sa mga dalubhasa sa lindol ng estado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol sa karagatan ay natunton 13 kilometro sa timog-silangan ng General Luna, isang bayan na paboritong puntahan ng mga turista sa Siargao Island, Surigao del Norte.
Naitala ang Intensity 4 sa Cabadbaran City ng Agusan del Norte; Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, at Silago ng Southern Leyte; at Surigao City ng Surigao del Norte. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com