Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Project Loki

Xian sa pagdidirehe: I feel like home sa tuwing nasa likod ng kamera  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

I feel great. Napakalaking bagay na tawaging direktor.” Ito ang tinuran ni Xian Lim nang maurirat namin ang pakiramdam niya ngayong direktor na ang tawag sa kanya. Si Xian ang magdidirehe ng bagong proyekto ng Studio Viva, ang Project Loki na isinulat ni AkoiIbarra

Hindi ito ang unang pagkakataong magdirehe ni Xian. Siya ang nagdirehe ng Tabon noong 2019, isa itong psychological-thriller film na kasali sa Cinemalaya. Sinundan ng isang episode sa Wish Ko Lang noong 2022 sa GMA. Unang commercial film niya ang Hello, Universe noong 2023; Pasabay, isang TV mini-series noong 2021, at Black Magic Baby noong 2024.

At ngayong 2025, muli siyang pinagkatiwalaan ng Viva na magdirehe ng isang malaking serye na mapapanood sa Viva One at Cignal Play, ang Project Loki na pagbibidahan nina Dylan Menor, Jayda Avanzado, Marco Galo, Yumi Garcia, Martin Venegas at marami pang iba. 

Sa ginanap na Cast Reveal and Story Conference noong Martes sa Viva Cafe, sinabi ni Xian na napakalaking bagay na makapagdirehe at maidirehe ang Project Loki.

Malaking pasasalamat din ang dumadaan sa puso at isipan ko ngayon because I know on my very early on sa career ko as an actor I have this owning po na I always wanted to write and direct. 

“So, being given this opportunity mean a lot para sa akin. IIt’s feels great, it feel’s great to be the director of ‘Project Loki.’” tugon ni Xian sa aming katanungan.

Ang Project Loki ay isang seryeng puno ng mga twist at misteryong tiyak pag-uusapan ng lahat.

Mula sa sikat na Wattpad series ni AkoSiIbarra na unang sumikat noong 2015 at ngayon ay may higit 92 milyong reads, bibigyang-buhay na ang Project Loki sa isang inaabangang series adaptation.

Bale ang Project Loki ang kauna-unahang seryeng ididirehe ni Xian na ibinubuhos niya ang lahat para maisalin ang bawat eksena ng kwento ng may tensyon, misteryo, at emosyon.

Ang kuwento ay tutukoy sa paglipat ng isang dalaga sa Clark University, sasali sa isang grupo na nagngangalang QED Club,  grupo ng mga mag-aaral na lumulutas ng mga sikreto at misteryong babago sa college life niya.

Sa nagdaang Vivarkada concert noong Agosto 15, umalingawngaw ang hiyawan sa Big Dome nang ianunsiyo ang paparating na adaptation. Mabilis itong nag-trend sa social media, patunay sa lakas ng suporta ng mga tagahanga.

Mas lalo pang nasabik ang lahat nang mapansin ng mga netizen ang pagkakahawig ng mga napiling artista sa mga karakter na nasa nobela: ang aktor na si Marco na gaganap bilang Luthor Mendez, and total performer na si Jayda bilang si Lorelei Rios, at ang heartthrob na si Dylan bilang Loki Mendez.

Matapos ang standout performance ni Marco bilang Kalix sa hit university series na The Rain in España, muli itong magbabalik sa Viva One bilang si Luthor, ang misteryosong nakatatandang kapatid ni Loki. Tahimik at malihim, si Luthor ay palaisipan sa mga tao sa kanyang paligid.

Si Jayda, na kilala sa kanyang husay sa pag-arte at pagkanta, ang gaganap naman bilang Lorelei, ang transferee sa Clark University na lumipat upang takasan ang nakaraan. Matalino at maasahan, siya ay magiging bahagi ng QED Club bilang tapat at mapagmalasakit na kaibigan.

Samantala, ang rising actor na si Dylan, na unang nasilayan bilang Tripp Palma sa Seducing Drake Palma, ang bibida bilang Loki, ang leader ng QED Club. Sa simula ay malamig at mailap, ngunit unti-unting magbabago ang kanyang mundo sa pagdating ni Lorelei.

Kasama rin sa cast ang mga bagong henerasyon ng Viva talents na bumubuo sa QED4: ang  dating P-pop star at ngayon ay rising actress na si Yumi bilang Jamie, ang drama club actress na sumasali rin sa QED Club. Si Martin naman mula sa Ang Mutya ng Section E ang gaganap bilang Alistair, ang matapat na kaibigan at tagapagtanggol ni Lorelei.

Makakasama rin sa cast ang young talents mula sa Viva gaya nina Kurt Delos Reyes bilang Stein Alberts, Ashley Diaz bilang Rosetta Rodriguez, Love Yauco bilang Margarette Fernandez, at Michael Keith bilang Rye Rubio. Mula naman sa MediaQuest Artists Agency, tampok din ang mga bagong mukha na sina Joanna Lara bilang Rhiannon Delos Reyes at Iven Lim bilang Bastien Montreal at marami pang iba.

Sa kabilang banda aminado naman si Xian na nahirapan siyang sagutin kung ano ba ang mas fulfilling para sa kanya, ang pagiging piloto, aktor, o direktor?

Tugon ni direk Xian, “Napakahirap na tanong. Mahirap siyang i-compare at sabihing one is better than the other. 

“I would say is I feel like home. I feel my heart is at it’s happiest everytime I’m behind the camera. And you know katulad ng sinasabi nila kanina ng mga actor natin, sina Dylan, Jayda, Marco and the rest,  I wanna be able to impart with them. Kumbaga kung ano rin iyong mga pinagdaanan ko rin in the acting process.

“It’s my job to guide them nang hindi sila maligaw and ine-explain ko rin sa kanila as a director na iba-iba ang sensitivities, and iba-iba ang mga director na makakasalamuha nila. 

“So iyon, that’s my promise to them na aalagaan ko nang mabuti ang character and I make sure each character will shine for this project,” giit pa ni direct Xian.     

Ang Project Loki ay hatid ng Studio Viva, Media Quest Ventures, at Cignal, at sa pakikipagtulungan ng Webtoon Productions. Mapapanood ito sa Viva One at Cignal Play.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …