Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia Sanchez sa I’m Perfect: bakit hindi? Mga tao rin po sila

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MGA tao rin sila.” Ito ang tumatak tiyak mula sa speech ni Sylvia Sanchez nang tawagin ang kanilang pelikulang I’m Perfect na isa sa apat na bubuo sa Final Four entries sa Metro Manila Film Festival 2025 na isinagawa ang announcement kamakailan sa University of Makati.

Hiyawan, palakpakan at talaga namang napuno ng madamdaming tagpo nang kasamang umakyat ni Sylvia ang mga bidang ‘angels’ sa kanilang pelikulang I’m Perfect handog ng Nathan Studios at pagbibidahan din nina Lorna Tolentino, Janice de Belen, at Joey Marquez.

“MARAMING nagsabi bakit Down Syndrome? Bakit sila? Bakit hindi? Mga tao rin po sila!,” ang nangngingilid ang luhang wika ni Sylvia matapos na tawagin ni MMDA Chairman, Atty Don Artes na kasama ang kanilang pelikulang I’m Perfect sa mapapanood sa Kapaskuhan, December 25, 2025.

Talaga namang grabe ang hiyawan at palakpakan sa loob ng UM Performing Arts Theater at hindi rin naiwasang maiyak ang karamihan tinuran ng aktres.

Sa unang pagkakataon kasi, ngayon lamang magkakaroon ng pelikulang kalahok sa MMFF na ang kuwento ay tungkol sa mga down syndrome at sila mismo ang bida. 

Ayon sa kuwento ni Sylvia, nag-pitch ng dalawang pelikula si direk Sigrid Andrea Bernardo para sana kina Cong. Arjo Atayde at asawang Maine Mendoza at pelikulang pagsasamahan nila ni Angel Aquino. Subalit tinanggihan niya ito pareho.

Pero nang ibigay sa kanya ang istorya ng I’m Perfect na 2014 pa pala naisulat ni direk Sigrid nagustuhan ito agad ng premyadong aktres.

Marami ang may gusto sa kuwento ng I’m Perfect, wala lamang maglakas lob na iprodyus ito. At bukod-tanging si Sylvia ang hindi nagdalawang-isip para gawin ito. Katwiran ng aktres, kasama sa advocacy ng kanilang Nathan Studios na gumawa ng mga pelikulang tulad nito.

Noong itinayo ang production ng Nathan noong nag-meeting kami ng mga anak ko, iisa ang gusto namin. Gusto naming makagawa ng mga pelikula na makae-educate sa lahat sa atin tulad nitong down syndrome.

“Advocacy din kasi namin ito, ng Nathan. Nakabili kami rati ng pelikula abroad ‘yung Buffalo Kids na ipinalabas din namin before,” sabi ni Sylvia.Ang Buffalo Kids ay isang maganda at sensitibong Spanish animated na pelikula tungkol sa magkapatid na ulila at makikita sa Wild West. Ipinakita sa pelikula ang pakikipagsapalaran, katatawanan, pantasya, at aksyon sa 3D na cartoon film.

“‘Yung ‘Topakk’ ni Arjo last year sa MMFF din, ukol naman sa PTSD (Post Traumatic Stress Disorder) iyon. At this time Down Syndrome naman.

“Gusto naming gumawa ng pelikula na nagagawa rin naman ng iba pero gusto namin na sila mismo (down syndrome kids) ang mismong gaganap.”

Natanong si Sylvia kung bakit napakalaga na naroon siya noong hapong iyon sa kabila ng may pinagdaraanan ang kanilang pamilya ngayon.

Anang aktres, “Napakahalaga na narito ako ngayong hapon dahil kailangan kong ipagmalaki ang mga Angels, ang mga batang may down syndrome and I want them to be seen. Kailangang makita nating lahat ang kung anong kaya nila. Kasi sanay tayo na hinuhusgahan sila, ‘yung kapasidad nila minamaliit.

“Gusto kong ipakita sa tao na kung ano ang kaya nila, like acting na kaya natin, kaya rin nila. Sa totoo lang, ayaw kong magyabang, ayokong sabihin na ganito sila, pero panoorin na lang ninyo sila kung ano ang kaya ng mga bata sa December 25, I’m Perfect, sobrang galing nila,” buopng pagmamalaki pa ni Sylvia sa mga bibidang angels sa kanyang pelikula.

Bale sampung angels ang bibida sa I’m Perfect, dalawa ang pinakabida at walo ang barkada. Pero ang kaklase nila, may autistic at may cerebral palsy. Kaya please, please suportahan po ninyo kami sa December 25. Para po ito sa mga batang kailangang makita at maramdaman natin. Hindi lalaitin, hindi idya-judge, bagkus maging open tayo sa kanila. Maniwala kayo ang galing-galing nila at kaya nila,” pakiusap at pagmamalaki pa ni Sylvia.

Napag-alaman pa naming next year ay ukol naman sa autism ang gagawing pelikula ng Nathan.

Bukod sa I’m Perfect kasama rin ang Love You so Bad ni direk Mae Cruz Alviar at pagbibidahan nina Bianca De Vera, Will Ashley and Dustin Yu na mula sa ABS-CBN Film Productions, GMA Pictures and Regal Entertainment; UnMarry ni direk Jeffrey Jeturian at pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Eugene Domingo mula sa Quantum Films, Cineko Productions; at Bar Boys: After School ni direk Kip Oebanda at bida sina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Klarisse de Guzman and Sassa Gurl handog ng 901 Studios.

Nauna nang inanunsiyo ng MMDA noong July ang unang apat na official entry na napili ng MMFF Screening Committee bilang official entries sa MMFF 2025. Ito ay ang mga pelikulang Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre sa direksiyon ni Jun Robles Lana mula sa ABS-CBN Production Inc. / Viva Films / IdeaFirst; Rekonek nina Gerald Anderson, Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Gloria Diaz, Alexa Miro na idinirehe ni Jade Castro mula Reality Studios; Manila’s Finest ni Piolo Pascual, idinirehe ni Rae Red mula sa Cignal TV, Inc.; at Shake, Rattle & Roll Evil Origins na lead stars sina Ivana Alawi, Fyang Smith, Loisa Andallo, Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Elijah Alejo, Carla Abellana, Manilyn Reynes, Janice de Belen, Francine Diaz, Kaila Estrada, Richard Gutierrez, Ryan Bang, Seth Fedelin, JM Ibarra, at Dustin Yu mula sa direksiyon nina  Shugo Praico, Joey De Guzman and Ian Loreños mula sa Regal Entertainment, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …