HINDI pa man nakababawi sa epekto ng lindol na tumama noong 30 Setyembre, muling niyanig ng magnitude 6 na lindol ang lungsod ng Bogo, sa lalawigan ng Cebu na gumising sa mga natutulog na residente pasado 1:00 ng madaling araw, ngayong Lunes, 13 Oktubre.
Matatandaang nag-iwan ang magnitude 6.9 lindol nang hindi bababa sa 71 kataong nawalan ng buhay sa hilagang bahagi ng Cebu, 32 rito ay mula sa Bogo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol kaninang madaling araw na may depth focus na 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Villaba, Leyte; at Intensity 4 sa mga lungsod ng Cebu, Danao, Argao at Talisay, at bayan ng Asturias, pawang sa Cebu; mga bayan ng Isabel, Leyte, Hilongos at Abuyog, at lungsod ng Ormoc, sa Leyte; at sa in Hinunangan, Southern Leyte.
Dagdag ng Phivolcs, asahan ang mga dagdag na pinsala sa mga nabanggit na lugar at mga aftershocks.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com