BAGO sumabak sa heavy drama na Hating Kapatid, maghaharap muna sa matindi at masayang hulaan sa Family Feud ang Legaspi twins.
Sa Friday (October 10), maglalaban sa Family Feud ang Team Tyrone at Team Belle na mga karakter nina Mavy at Cassy sa pagbibidahang serye kasama ang kanilang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
Maglalaro para sa Team Tyrone sina Mavy, Vince Maristela, Bobby Andrews, at Leandro Baldemor. Habang Team Belle naman sina Cassy, Cheska Fausto, Valerie Concepcion, at Mercedes Cabral.
Samantala, mapapanood na ang kanilang seryeng Hating Kapatid simula Lunes (October 13), 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com