Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Indigenous Peoples Games - Mindanao Leg
IPINAPALIWANAG ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Matthew "Fritz" Gaston ang Mindanao Leg Indigenous Peoples (IP) Games, sa ginanap na Philippine Sportswriters Association Forum sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila nitong Martes. (HENRY TALAN VARGAS)

Indigenous Peoples Games – Mindanao Leg gaganapin sa Oktubre 11-12 sa Agusan del Norte

GAGANAPIN sa Buenavista Central Elementary School sa Agusan del Norte ang Mindanao leg ng 2025 Indigenous Peoples (IP) Games sa Oktubre 11-12, 2025, na lalahukan ng halos 300 atleta mula sa 11 lungsod at bayan: Nasipit, Las Nieves, Buenavista, Cabadbaran City, Carmen, Jabonga, Tubay, Santiago, Kitcharao, Remedios T. Romualdez (RTR), at Butuan City.

Tampok sa palaro na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga tradisyunal na laro tulad ng pintik (palaso), bangkaw (sibat), bag-ud, sudsud (pambabae), takyang (pambabae), indigenous race, tug of war, paglikha ng apoy, lubok-humay, at unahik, palosebo, katkat kawayan.

Ayon kay PSC Commissioner Matthew “Fritz” Gaston, mahalaga ang palarong ito sa pagpapalaganap ng pagkakaibigan at kompetisyon sa hanay ng mga katutubo sa kaniyang pagdalo sa PSA Forum sa conference room ng Rizal Memorial Sports Complex nitong Martes

Dadalo si Commissioner Edward L. Hayco bilang kinatawan ng PSC bilang guest of honor sa opening ceremony ng IP Games. Suportado ang aktibidad nina Buenavista Mayor Joselito Roble at Agusan del Norte Governor Maria Angelica Rosedell Amante.

Hindi natuloy ang Visayas leg dahil sa bagyo, habang ang Luzon leg ay inaasahang maisisingit bago ang SEA Games sa Disyembre. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …