I-FLEX
ni Jun Nardo
KAPWA natupad ang pangarap nina Michael V at Vice Ganda na maging guest ang huli sa Bubble Gang.
Itinaon sa 30th year ng GM gag show ang guesting ni Vice na pinatikim ng special treatment mula sa cast, staff and crew ng gag show.
Siyempre pa, hindi lang one time ang appearance ni Vice sa show. Mayroon itong part 2 at baka may part 3 pa, huh!
Siyempre dapat samantalahin at kung kailan uli mauulit si VG sa BG eh, wala pang kasiguraduhan, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com