SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MAGANDA and istorya ng negosyanteng si John Calub na sa pagnanais na makatulong sa kapwa, pumasok siya sa larangan ng life coaching at motivational speaking at ngayon ay kinikilala bilang isang alamat sa industriya ng self-improvement sa Asya, na may titulong Philippines’ Number One Success Coach.
Siya rin ay awtor ng dalawang international best-selling books na Pillars of Success at The Abundance Factor.
Nakukuha ni John ang kanyang inspirasyon mula sa mga tanyag na business mentors tulad nina Jack Canfield, Tony Robbins, Robert Kiyosaki, T. Harv Eker, Donald Trump, Richard Branson, John Maxwell, Brian Tracy, Sadhguru, at Vishen Lakhiani.
Sa personal na buhay, ang kanyang inspirasyon ay ang asawa na si Janine at ang kanilang mga anak na sina Addie at John Stevie.
Taong 2020, dumating kay John ang isang mabigat na pagsubok nang ma-ospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon na tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS).
Ayon sa mga doktor, ito ay isang incurable condition, kaya araw-araw siyang nakararanas ng matinding sakit.
Kaya nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan ang larangan ng biohacking – ang sining at agham ng pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan para magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya.
Ang biohacking ay gumagamit ng kombinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.
Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breath work, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding o earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing.
Sa loob lamang ng 30 araw ng paggamit ng mga biohacking protocol na ito, naranasan niya ang ganap at mabilis na paggaling-nang hindi na kailangan ng mahal na operasyon, gamot, o matagal na pagkaka-ospital.
Mula rito, ipinanganak ang kanyang sariling sistema na tinawag niyang Miracles Protocol, isang kombinasyon ng agham at espirituwalidad para sa mabilis na paggaling.
Itinatag ni John ang kanyang Biohacking Center sa Quezon City, na maaaring matuto ang mga Filipino at personal na maranasan ang kapangyarihan ng Mirales Protocol.
Ipinakilala rin niya sa Pilipinas ang paggamit ng Rife Frequency Generator, isang teknolohiya mula pa noong 1930s na idinisenyo ni Dr. Royal Rife. Ang makinang ito ay gumagamit ng partikular na electromagnetic frequencies na tumatarget sa mga mikrobyo, virus, bakterya, at maging cancer cells nang hindi sinasaktan ang malulusog na cells.
Ngayon, kilala na ito bilang Pulsed Electro Magnetic Frequency (PEMF) at ginagamit na rin sa ibang bansa bilang ligtas at abot-kayang alternatibong paraan ng
pangangalaga sa kalusugan.
Bumuo rin si John ng mga biohacking supplements. Ang pangunahing produkto ng kanyang kompanya ay ang Optimmune, isang advanced immune system support supplement na may kakayahang magbigay ng proteksiyon laban sa iba’t ibang sakit at mabilis na recovery.
Ang “superhero ingredient” ng Optimmune ay ang Pycnogenol, isang makapangyarihang antioxidant na nagmumula sa French Maritime Pine Bark Tree. Ito ay suportado ng mahigit 160 clinical trials.
Pinagsama pa ito ni John sa Wellmune Beta-Glucan at Rosehips, na pawang kilala bilang top immune boosters sa buong mundo. Ang Optimmune ay FDA-approved at ginagawa sa isang Halal Certified at ISO Certified facility.
Sa kabilang banda, natanong si John ukol kay Kris Aquino kung puwedeng gamitin ang nadiskubre at pamamaraan na paggamot
sa sakit sa mga karamdaman ng multi-media actress.
Aniya, nais niyang matulungan si Kris para maipakilala ang mga ginawa niyang paraan para malunasan ang kanyang sakit.
Una niyang gagawin sa aktres ang genetic testing para malaman ang pinanggagalingan ng mga sakit nito. Sa pamamagitan ng prosesong ito, malalaman kung minana o dahil lang sa stress o iba pang dahilan ang pagkakaroon ng autoimmune diseases.
Sa ngayon ay may Biohacking Center sa Quezon City si Mr. John na maaaring matuto ang mga Pinoy at personal na maranasan ang power ng Miracles Protocol.
Kaya inaanyayahan ni John ang lahat ng Pinoy na personal na maranasan ang Miracles Protocol sa pamamagitan ng libreng frequency healing session tuwing Lunes at Biyemes mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Success Mall office, Ground Floor, Broadway Centrum, Aurora Boulevard, Quezon City.
Para magpareserba ng slot, maaaring tumawag sa 0287111259 0 +639394226050, ο mag-email sa [email protected].
Para naman sa mga nais bumili ng Optimmune, ito ay mabibili sa www.successmall.shopping, TikTok Success Mall shop, at Lazada Success Mall shop.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com