Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Are Kalalaw Sang Mag Utod

Ilonggo movie na “Kalalaw Sang Mag Utod” (Siblings Basket), new advocacy film ni Direk Tonz Are

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong advocacy film ang masipag at mahusay na indie actor/director na si Tonz Are, ito’y pinamagatang “Kalalaw Sang Mag Utod” (Siblings Basket).

Ang pelikula ay hinggil sa dalawang magkapatid na babae, sina Neli at Maricar, na ginagampanan nina Cyper at Cyline Tabares, respectively. Kahit mahirap sa buhay ay nagsusumikap mag-aral at magtinda para sa kabuhayan ng kanilang pamilya.

Kuwento ni Direk Tonz, “Kaya ganoon ang title, about ito sa dalawang magkapatid na salat sa hirap. Wala na silang ama, nanay na lang po ang bumubuhay sa kanila. Kaya naisipan nilang maglako ng gulay, iyon ang sandata nila sa pakikibaka sa buhay at lagi nilang kasama iyong bilao.

“Ang maganda pa nito sa story, silang dalawang magkapatid ay salitan sa pagpasok sa school. Like ‘yung isa ay magtitinda ngayon, ‘yung isa naman ay papasok sa school, then vice-versa po. Iyon ang routine nila sa araw-araw…at nang na-discover ng teacher nila, na-touch siya dahil kahit mahirap ang buhay nila, gusto pa rin makatapos mag-aral ng dalawa.”

“Tungkol sa family at sa kahalagahan ng education po ito. Na kahit salat po sila sa hirap, pursigido silang dalawa sa kanilang pag-aaral,” pahabol ni Direk Tonz.

Dagdag niya, “Lahat po ng artists ko rito ay Ilonggo, Ito’y under ng Daydreamer Entertainment Production, si Mam April Rose Tabares ang co-producer ng pelikula.”

Si Tonz ay gumaganap dito bilang William, na lover ni Doray, ina ng magkapatid.

“Ako rito si William, lover ng nanay ng dalawang bata. Na dahil sa lalaki niya or sa akin, napabayaan ni Doray ang dalawa niyang anak. Iyong isa pang kapatid nila Cyper at Cyline, si Gab ay kasali rin sa movie na ito, pinsan siya ng dalawang magkaptid.”

Bakit niya naisipang gumawa ng Ilonggo movie?  “Kaya ko naisipan din pong gumawa ng Ilonggo movie, kasi iyong mga alaga ko rito ay Ilonggo sila, hindi marunong ng Tagalog, bale, English speaking sila, e.”

Hindi raw nakaplano ang paggawa niya ng pelikula, nagpunta siya sa Iloilo para mag-conduct ng acting workshop.

Esplika niya, “Actually biglaan lang po iyon, nakita ko kasi ang potential ng dalawang bata. Kaya naisip kong gumawa ng film na bagay talaga sa kanila. Bale, naisulat ko po iyong movie ng one day lang.”

Ano ang masasabi niya sa acting dito nina Cyper at Cyline?

“Napakagaling nila, one take lang sila actually… kasi may hugot, e. Although, hindi naman sila mahirap talaga sa totoong buhay, pero in-apply nila ‘yung buhay-mahirap, na parang na-touch kasi sila sa story ng movie namin,” pakli pa niya.

Ayon kay Direk Tonz, marami siyang plano kina Cyper at Cylin, pati na rin sa iba pa niyang talents.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …