Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerome Evardome Elvis Presley Clone Eat Bulaga

Jerome Evardome, petmalu bilang Elvis Presley clone

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klase ang boses ni Jerome Evardome, kung pipikit ang nakikinig habang kumakanta siya ng Elvis Presley song, iisipin mong tila nabuhay ang King of Rock ‘n Roll.

Si Jerome ay isa sa finalists ng Elvis Presley clone contest ng Eat Bulaga at hindi man siya naging grand winner dito kundi si Jean Jordan Abina, malaki ang potential ni Jerome na sumikat nang husto.

Actually, marami na ang nakakakilala sa kanya kahit sa abroad, dahil sa rami ng vloggers na foreigner na kino-content siya at lahat sila ay namamangha sa petmalung boses ni Jerome.

Kumusta ang naging experience niya sa Eat Bulaga?

Aniya, “Masaya po, napakasaya po dahil firstly, back then, iyong pagiging Elvis impersonator ko ay medyo ikinahihiya ko na po… dahil hindi na ako makasabay sa mga modern songs na dapat kong pakinggan with my age. Pero now po ay nare-recognize na siya and nagkakaroon po ako ng bagong friends dahil dito, specially po ‘yung mga singers din.

“Kung hindi ko ipinush ang pagsali roon, baka hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa kuwarto at hindi nare-recognized ang boses ko.”

Why Elvis? “For me, he is very unique po talaga compared to other singers. Hindi po siya natakot basagin ang boundary ng boses niya. And throughout the years, kahit sabihin pa natin na wala pa siyang 20 years sa music industry, pero maririnig mo iyong evolution ng boses niya. From the start, napakanipis na garalgal. Bago siya mamatay, maririnig mo iyong operatic tone ng boses niya.

“Kahit noong bata pa siya, hindi niya akalain na kakayanin niya na magiging ganoon,” esplika ni Jerome.

Aniya pa, “Tungkol sa costume naman niya, para sa akin, ang mahal tingnan, napaka-luxurious talaga. Everytime na suot niya, maa-amaze ka na lang, talagang tulala ka na lang. At kapag nag-perform siya, ibinibigay talaga niya ang lahat, para po sa fans niya. Kaya, one of a kind po talaga si Elvis.”

Si Jerome ay nagsimulang kumanta sa choir ng INC sa gulang na pito. Siya ay nagkaroon din ng banda at ayon sa kanya, hindi raw siya fan ng old songs talaga. Nagsimula lang niyang gayahin si Elvis nooong pandemic, taong 2020. Dito raw nagsimulang mabuksan ang tainga niya sa old songs.

Isang minuto pa lang daw siyang kumakanta sa audition ng EB Clone, pinatigil na siya dahil pasok na agad si Jerome. Ang kinanta niya ay Can’t Help Falling in Love. Ang fave Elvis songs naman niya ay If I Can Dream at An American Trilogy.

Si Jerome ay kikilalanin sa 24th Annual Gawad Amerika Awards bilang Most Outstanding Tribute Artist For Iconic Musical Legends na gaganapin sa November 22, 2025.

Sa husay niya at tindi ng boses, naniniwala kami na malayo ang mararating ni Jerome. Hindi kami magugulat kung pati international market ay ma-penetrate rin ng 20-year old binata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …