ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang guwapitong aktor na si John Heindrick na nami-miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera.
Pahayag ng aktor, “Sobra-sobra ko po na-miss, pero kasi po nakapagwo-work at act pa rin naman po ako… Pero ang nami-miss ko po talaga sa pag-arte ay iyong masabak po ako ulit sa drama.”
Si John ay dating contract artist ng Starcenter ng NET25, after ng kontrata niya rito ay naging freelancer na siya.
Nabanggit niya ang mga pinagkaabalahan kamakailan.
Kuwento ni John, “Ang latest ko pong teleserye na naging project ko lang po this year is ‘yung sa ABS CBN po for Iwant TFC na ang title po ay Love at First Spike, kasama po sina Emilio Daez and River Joseph, with Direk Ivan Andrew Payawal. Ang naging role ko po roon is si Matthew Richards, na isa po sa mga bully, kasama at alalay po ni River na ang name rito ay si Parker Robinson.”
Sa ngayon ay naka-focus si John sa paggawa ng commercials. “As of now po ay nag-focus po ako sa commercials, dati po kasi ay diyan po talaga ako nag-start bago ko po nakilala ang naging dalawang handlers ko po. Nag-start po ako noong 2016 sa commercial sa Titan Agency.
“Thankful nga po ako dahil sunod-sunod po iyong commercials ko this year… starting ng May to September po at ang mga nagawa ko po sa pagkakasunod-sunod ay Lucky Me noodles, Sunlife, Dito, Puregold,” sambit pa ni John.
Ano ang wish niyang maging direction ng kanyang showbiz career?
“Wish ko po, actually hindi naman po talaga ako nagmamadali, hindi ko rin naman po hinahangad na sobrang sikat. Pero siyempre si Lord God lang po ang makapagsasabi kung kailan po ‘yung right time ko. Pero lagi ko po iyon ipinagdarasal na, huwag lang po akong mawala sa ating industriya.
“Ayun po, nasagot naman po ni God. Pero ang hiling ko po talaga, tumatak o makilala lang po ako ng mga tao na maging isang mahusay na actor sa ating industriya,” sambit pa ni John.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com