SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
TINILIAN at talaga namang pinagkaguluhan nang ipakita ang teaser at ianunsiyo ng Viva sa thanksgiving presscon ng Viva One hit series, Seducing Drake Palma ang gagawing pelikula nina Rabin Angeles at Angela Muji. Ito ang Philippine adaptation at remake ng 2012 South Korean movie na A Werewolf Boy, na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Park Bo Young.
Ang A Werewolf Boy ang magiging launching movie ng RabGel kaya naman aminado ang dalawa na kabago at grabe ang paghahandang ginagawa nila.
Ani Angela ibang-ibang atake ang ginawa nila sa launching movie kompara sa series nila.
“Iba iyong acting sa soap, iba rin ang acting sa pelikula. Mas suttle, mas real, mas dama. Pagdating sa bagong workshop iba na ang ginagawa namin. Ibang-iba rin ang feel ng production sa series,” sabi ni Angela.
“Sobrang magkaiba ang series sa pelikula. Parang kailan lang ininterbyu ako. Sinabi ko, ‘sana ngayong taong ito magkaroon ako ng pelikula.’ Ibinigay sa atin ni Lord at nagpapasalamat ako na ibinigay ng Viva pero sobrang magkaiba. Mahirap din siyang gawin.
“Pero ang movie na ito sobrang nahirapan kami,” pagtatapat ni Rabin. “Sobrang pinaghahandaan namin and mag-start na kami this week ng shooting.
“So, sobrang dami naming pinagdaanan bago kami isalang dito sa ‘Werewolf Boy,’” pagtatapat ni Rabin.
“Lalo na ikaw,” susog ni Angela.
“My character is someone na may pinagdaraanan pero kapag nakilala ang character ni Rabin magiging makulay,” pahayag ni Angela ukol sa gagampanan niyang karakter sa pelikula.
“Ako naman, ‘yung character ko first time makaka-feel ng love sa karakter ni Angela, talagang ‘yun ang unang na-feel, ang pag-aalaga,” wika naman ni Rabin.
At para hindi sila mapahiya o maging alanganin ang proyektong ito, ibang klaseng workshop, ayon sa RabGel ang ginawa nila para maipakita ang hinihingi ng kanilang karakter.
“We’re working on our acting kasi hindi naman siya madali and ibang klase ang ginagawa naming workshop dito. As for preparations, ibang-iba rin ang pananamit, as in sobrang ibang-iba.
“Sobrang dami kong binasa, sobrang daming pinanood na serye, iba-ibang movie para maging isang wolf,” pahayag ni Rabin.
“Pinanood ko rin iyong movie pero hindi ko siya pinanood kasi Song Joong Ki na iyon eh, ‘di ba? Sobrang solid ni Song Joong Ki kaya kailangan may bago tayong maipakita. Hindi po natin kailangang gayahin si Song Joong Ki kaya sobrang daming preparation.
“Binasa namin ng buo ang script. Ang dami isinuot na prosthetics parang apat na oras iyon ginawa, sobrang daming paghahanda talaga para sa project,” dire-diretsong kuwento ng batang aktor.
“And kung paano po siya talaga gawin since nasa Pilipinas ang settings,” dagdag ni Angela.
“Grabe dalawang oras akong naging aso. Totoo iyon,” nangingiting wika pa ni Rabin.
Inamin naman ni Angela na sobrang pressured niya sa proyektong ito. “Ang daming times na iniisip ko na I’m not ready yet pero I realized na no one is actually ready. You jus listen. You decide to jump and you go. And natutunan ko na okey lang maging matapang para sa pangarap.
“Ako naman sa totoo lang, sobrang kabang-kaba ako sa project na ito. Hindi pa naman kasi ako ganoon kagaling umarte. Hindi pa naman kami ganoon kagaling umarte. Pero kahit hindi kami ganoon kagaling umarte, matagal ko nang hinihingi ito.
“Matagal ko nang ipinagdarasal ito na sana bigyan ako ng acting piece,” sabi ni Rabin na sumingit si Angela at sinabing, “Magaling naman po siya.”
At dahil hiniling ni Rabin na magkaroon ng pelikula this year, may nais siyang patunayan.
“Iyon po talaga ang pinakahihiling ko na gusto ko maipakita sa tao na gagawin ko ang lahat para makaarte. Ito pong pelikula na ito, ito iyon. Hindi siya, parang bago ito sa amin, hindi siya romcom pero ito talagang kailangan namin para ibigay ang lahat. Character work para sa akin hindi na…parang bagong emosyon na mararamdaman ko rito sobrang kakaiba ito para sa akin,” giit pa ni Rabin.
Idinagdag pa ni Angela na, “Kailangang ma-differentiate namin ang characters from ‘SDP’ to ‘Werewolf.’ Dapat distinct po talaga, hindi pwedeng hindi. Otherwise hindi effective ang pag-portray ng character. Iyon ang gusto namin na maibigay, gusto naming mabigyan ng hustisya ang character namin dahil sobrang ganda ng istorya.”
“Tapos sobrang sikat pa nito sa Korea, at idol ko pa si Song Joong Ki. Kaya kailangan maayos talaga naming magawa ito,” giit pa ni Rabin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com