I-FLEX
ni Jun Nardo
HANGGANG sa hiwalayan sa dating boyfriend, walang binanggit na pangalan si Alexa Miro.
Pero alam sa showbiz na ang naging boyfriend niya eh si Congressman Sandro Marcos, anak ni President Bongbong Marcos.
Masaklap nga lang ang hiwalayan dahil umano ay may third party involved na isa ring showbiz personality.
May lumabas sa GMA Network Facebook na may quotation si Alexa na, “I deserve better than the life I currently have.”
Ganoon?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com