“WHILE working on ‘Ghosting,’ bago pa lang namin simulan ‘yung project, bukas na ‘yung puso ko roon.
“Nag-eenjoy na ako sa trabaho, sa screen partner ko na si Fyang, at naging open ako sa lahat ng aral na puwede kong makuha. Ganoon lagi ang ginagawa ko tuwing may bagong project na dumarating,” sabi ni JM.
Ikinuwento rin niya na nananatiling matibay ang off-screen bond nila ni Fyang: “We’re happy. Simula noon hanggang ngayon, hindi nabago ‘yun. Mas nagle-level up pa ang happiness every time na magkasama kami at magkatrabaho.”
Matapos ang tagumpay ng Ghosting, maaaring abangan ng fans ang kompirmadong pagbabalik ng Part 2 nito sa Nobyembre.
Higit pa rito, naka-line up na rin para kay JM ang isang malaking milestone sa kanyang career bilang bida sa pelikulang Child No. 82, Anak ni Boy Kana, official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2025.
“Dumating ako sa set na may pressure at kaba. Pero ang maganda, guided ako ng buong production team mula simula hanggang matapos ang taping days,” kwento ni JM.
Tungkol sa naman sa kanyang role, ibinahagi ng aktor na, “It’s a social issue, kaya marami makare-relate na Filipino.
“Tungkol din ito sa family issue. I think humahapyaw din siya sa current issue ngayon kasi si Max, ‘yung character ko, ay illegitimate child ng isang kilalang indibidwal na si Boy Kana. So technically, isa siyang… unacknowledged nepo baby.”
Mapapanood ang Child No. 82, Anak ni Boy Kana sa Cinemalaya 21 mula October 3-12, 2025 sa Red Carpet Cinemas, Shangri-La Plaza.
Bukod dito, mas palalawakin pa ng tambalan nila ni Fyang ang kanilang audience dahil kabilang sila sa main cast ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, ang pinakabagong installment ng Regal Entertainment ng iconic horror anthology.
Sa sunod-sunod na proyektong ginagawa niya, patuloy na pinatutunayan ni JM Ibarra na isa siya sa pinaka-promising young actor ng kanyang henerasyon-passionate sa kanyang craft at dedicated sa fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com