IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa 30 lugar sa bansa, ngayong Lunes, 22 Setyembre, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan na hatid ng super typhoon Nando at habagat.
Mula sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinuspinde ng Office of the President ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at mga klase sa lahat ng antas sa mga sumusunod na lugar:
Metro Manila
Abra
Antique
Apayao
Bataan
Batanes
Batangas
Benguet
Bulacan
Cagayan
Cavite
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Laguna
Mountain Province
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Pampanga
Pangasinan
Palawan
Romblon
Rizal
Tarlac
Zambales
Sa kabila ng suspensiyon, mananatiling operational ang mga ahensiyang naghahatid ng serbisyo sa kalusugan at tumutugon sa agarang pangangailangan ng mga mamamayan.
Maaaring ipatupad ang kanselasyon ng klase at trabaho sa pamahalaan sa iba pang mga rehiyon ng kanilang mga Local Chief Executive.
Samantala, ang suspensiyon ng trabaho sa mga pribadong kompanya at tanggapan ay nasa diskresyon ng kanilang pamunuan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com