Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta laban sa multi-trilyong flood control scandal, na ayon sa mga organizer, ay isa sa pinakamalaking katiwalian sa bansa.

Sa pagtataya ng Quezon City Police District (QCPD), umabot sa 15,000 dakong 3:20 ng hapon ang nagsidalo sa kilos protesta mula sa bilang na 700 dakong 10:00 ng umaga kahapon.

Nagmartsa ang mga nagpoprotesta patungong People Power Monument mula EDSA Shrine at Greenhills.

“Malapit nang sagarang kumulo ang galit ng mamamayan,” pahayag ni Akbayan Rep. Perci Cendaña.

Dagdag niya, ito ay isang malakas na paalala sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na kung mabibigo siyang papanagutin ang lahat ng dapat managot, kabilang ang kaniyang pinakamalalapit na kakampi, huwag siyang magulat kung malipat ang galit ng tao sa kaniya.

Ani Akbayan Rep. Attorney Chel Diokno, “Tanging puwersa ng taong-bayan ang susi para mapanagot natin ang mga buwaya na nagpipiyesta sa kaban ng bayan para sa kanilang mga luho.”

Pahayag niya, kailangang matiyak na maparusahan alinsunod sa batas ang mga tiwaling opisyal at kanilang mga kasabwat sa pagsira ng tiwala ng publiko, at maibalik sa bayan ang ninakaw nilang bilyon-bilyong piso.

Nanawagan si Akbayan Rep. Dadah Kiram Ismulah ng mas malawak na pananagutan mula sa mga sangkot sa anomalya.

“Lahat ng mga infrastructure scams ay dapat imbestigahan. Hindi lang sa Luzon, pati na rin sa Mindanao,” pahayag ng kinatawan.

Aniya, mahalagang mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian kasunod ng mga ulat na P51 bilyon ang nakuha ng mga Duterte para sa mga infrastructure project sa isang distrito sa lungsod ng Davao.

Nagsagawa ng kasabay na kilos protesta sa Cebu, Tagbiliran, Dumaguete, Oroquieta, Cagayan de Oro, at Zamboanga.

Nag-organisa ng kanilang sariling mobilisasyon ang Youth Against Kurakot (YAK), koalisyon ng mga student council at community youth, sa Baguio, Daet, Bacolod, Borongan, Marawi, at iba pang lungsod sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …