ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
HALOS abot-kamay na ni Denise Frias ang katuparan ng pangarap niyang maging ganap na abogado. Kabilang ang dating aktres sa kumuha ng bar exam recently.
Nabanggit niya ang pinagdaanang struggles para matupad ang dream na maging abogado.
Kuwento ni Denise, “Hindi ko po makakalimutan habang nag-aaral ako sa law school, yung mga personal struggles ko kasi nakaapekto po talaga siya, and yung perception sa akin ng mga tao na hindi talaga totoo. Pero alam mo tito, natutunan ko rin na tanggalin yung pagiging people pleaser, medyo nabawasan yung thinking ko about what other people think of me.
“Siyempre po, ‘di rin tayo perfect, may mga pagkakamali rin po ako kaya nag-self-reflect din ako and to change yung mga bagay na hindi maganda or makakabuti or makakatulong. Natutunan ko na rin po yun na ‘di pansinin, ang importante yung mga taong nagmamahal talaga sa iyo and si God, mas nag-connect ako sa Kanya. Hindi ko makakalimutan during my review, yung support sa akin ng family ko kasi sinamahan nila ako during bar days sa SLU, Baguio City.
“Nagpapasalamat ako sa suporta nila and kay Dean Honorio G. Buccat Jr., mafi-feel mo talaga yung support niya kahit noong law school namin. Nagpapasalamat din ako kay Atty. Rozzanne, Atty. Balanag, Amira, Kim, Sir Jerome, Mark Carlo and sa mga kaklase ko po na nakatulong sa law school journey ko, sina Elizabeth, Coleen, Ellen, Rommel, Vanessa and si Atty. Dale na laging nandiyan na tumutulong sa akin before ko pa siya maging prof, hanggang sa maka-graduate ako and mag-take ng bar. Sobrang bait po niya sa akin.”
Saan siya nag-aral at kailan ang labas ng resulta ng bar exams nila? “Nung first year ko po, underload pa po noon, sa San Sebastian College-Recoletos Manila. Then nag-transfer po ako sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union. five years ko rin po talaga tinapos ang law school ko.”
Pahabol pa ni Denise, “Ang labas po ng results ay on January 13, 2026. I am hoping po tito na 100% passing rate po kami sa DMMMSU.”
Nabanggit din niya ang idol na lawyers. “Idol ko pong lawyer sa ‘Pinas, si Atty. Carlo L. Cruz. Sobrang galing and at the same time gusto ko po yung character niya, very humble po… pati po si Atty. Raymond Fortun.”
Si Denise ay nagsimula sa showbiz bilang talent sa ilang TV shows. Mula rito ay nag-acting workshop siya, nakagawa ng ilang indie films tulad ng ‘Mga Batang Lansangan’ at ‘Field Trip.’ Pero ang most memorable niya ay nang naka-eksena si Coco Martin.
Pagbabalik-tanaw niya, “Noong active pa po ako sa showbiz, I think yung last project ko ay sa indie film po na Para Sa Pagbabalik ni Christian, kasama ko sina Ms. Lotlot De Leon and Martin Escudero.
“Nag-start ako 2015 po, sa Ang Probinsiyano, first project ko po ito and kaeksena ko po roon si Coco Martin bago po ako nagkaroon ng magandang roles sa indie films. Memorable po sa akin iyon pero hindi po ako kinabahan during those times, kasi nag-practice naman po kami ni kuya Coco many times din bago po mag-take.”
Pahabol pa ni Denise, “Sa ngayon ang wish ko po tito, makatulong po sa mga celebrities especially sa rights nila na granted ng ating batas. Alam ko po kasi yung pressure na nararanasan nila, yung trauma, anxiety, at depression, lalo na ‘pag naapakan ang rights nila as a public figure. Hirap sila ipagtanggol ang sarili nila kasi nag-iingat din sila, very limited ang galaw nila. So, gusto kong maging instrument para makatulong sa kanila.”
“Pero kung papalarin po ulit na umarte, wish ko po sana kung magkakaroon po ng pangatlong pagkakataon ay makasali ako sa ‘Bar Boys’. As far as I know, masusundan siya kasi po tumatak talaga sa masa… Hopefully, magkaroon ng part-3 at makasama po ako roon.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com