Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Hart Bitoy Michael V

Angelica Hart, goodbye na sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKILALA man si Angelica Hart sa larangan ng pagpapa-sexy sa mga pelikula ng Vivamax, aminado ang magandang aktres na ginawa lang niyang stepping-stone ito para makilala at makapasok sa mainstream TV.

Paliwanag ni Angelica, “Sa totoo lang po, bago pa lang ako noon sa pagsabak sa sexy movies ay nasa puso ko na talaga na gusto kong mag-transition po sa wholesome image. Kaya kumbaga ay naging stepping-stone ko po talaga ang Vivamax.”

Astig ang takbo ng career ngayon ni Angelica dahil siya ay napapanood sa ‘Bubble Gang’ at ‘Pepito Manaloto’. Pati na rin sa TV series na ‘Totoy Bato’ ng TV5 na pinagbibidahan ni Kiko Estrada.

Ibig bang sabihin, goodbye na siya sa sexy roles sa VMX app? “Yes po stop na, goodye na ako sa mga sexy role. Inilipat na ako ni Boss Vic (del Rosario) sa Viva One.”

Aminado si Angel (nickname ni Angelica) na hindi pa rin daw siya halos makapaniwala na tatlo ang TV shows niya ngayon.

“Sobrang saya ko po, speechless po talaga ako… kasi hindi pa nagsi-sink-in sa akin ang lahat nang ito,” nakangiting wika niya.

Inusisa rin namin siya kung nahirapan ba sa pagtawid sa mainstream TV, mula sa pagiging sexy actress?

Sambit ni Angelica, “Actually po, medyo naging madali po sa akin, lalo na at likas na komedyante po ako talaga at masayahin na tao. Siyempre po, sa tulong na rin po iyon ng mga co-actors ko sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.”

Thankful din ni Angelica sa mga nakakasama niya sa trabaho. “Sobrang thankful po ako sa kanilang lahat, mababait po sila, pati na ang production. Mararamdaman mo talaga na safe ka sa kanila at para akong hindi baguhang artista.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career ngayon?

“Ang wish ko sa career ko ay maging smooth at ma-guide ako ni Lord sa bago kong tinatahak na landas at maging successful sa laha ng gagawin ko po,” nakangiting pakli pa ni Angelica.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …