Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO3 Central Luzon Police

2 Koreano, Pinoy tiklo sa extortion;  shabu, cocaine, marijuana, ecstacy nasamsam

MULING umiskor ang kapulisan sa Police Regional Office 3 nang maaresto ang dalawang dayuhan at isang Filipino na nagtangkang mangikil sa isa ring dayuhan at masamsaman pa ng mga iligal na droga sa operasyong isinagawa sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alay “Jo” at alyas “Kim”, kapuwa Korean nationals; at alyas “Tabon”, isang Pinoy, na naaresto sa ikinasang entrapment operation sa loob ng Cafe and Restaurant sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat City.

Ang mga suspek ay inaresto ng mga operatiba matapos maaktuhang nangingikil ng PhP4.4 million mula sa isa ring Korean national na kanilang bibiktimahin.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na may halagang PhP340, 000.00; 50 tablets ng  ecstacy na may halagang PhP85, 000.00; 53 gramo ng cocaine na may halagang PhP265, 000.00; at vape marijuana na may halagang PhP13, 500.00.

Narekober din sa operasyon ang isang caliber Glock pistol na kargado ng bala, boodle money; iba’t-ibang gadgets at mga IDs ng mga suspek.

Kaugnay nito ay ipinahayag ni PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., regional director ng PRO3, na ito  nagpapatunay sa paninindigan ng kapulisan sa rehiyon na tugisin ang mga kriminal, dayuhan man o hindi, para maprotektahan ang mga komunidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …