ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong kriminal, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 20 Setyembre.
Ayon sa ulat ng Pulilan MPS na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Eisbon Llamasares, nadakip ang suspek na kinilalang si akyas John, 25 anyos, residente ng Baliwag, Bulacan, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Robbery na inilabas ni Presiding Judge Derela Devera-Tamaray ng Lucena, Quezon MTC Branch 1.
Gayundin, nasakote sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Pandi, ng puwersa ng 2nd PMFC sa pamumuno ni P/Maj. Michael Santos ang suspek na kinilalang si alyas Hedi, 41 anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Slight Physical Injuries na inilabas ni Presiding Judge Maria Cristina Botigan-Santos ng Pandi, Bulacan MTC.
Kasabay nito ay nadakip din ng San Jose Del Monte CPS sa pamumuno ni P/Lt. Col. Reyson Bagain, katuwang ang 301st MC RMFB 3, at 3rd SOU PNP Maritime Group ang suspek na kinilalang si alyas Alfred, 33 anyos, sa Fleins Motorshop, Brgy. Maharlika, San Jose del Monte, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong robbery na inilabas ni Presiding Judge Gladys Pinky Tolete Machacon, Presiding Judge ng San Jose del Monte MTC Branch 2.
Sa naging pahayag ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, binigyang-diin niya ang patuloy na determinasyon at pagtutulungan ng kapulisan upang matiyak na ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso ay agad na maiparating sa kamay ng batas, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad sa buong lalawigan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com