SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
EXCITED, maligaya, at nagpapasalamat kapwa sina Esteban Mara at Mikoy Morales sa kanilang first big project, ang Pinoy BL series nila na Got My Eyes On You ng Puregold Channel.
“I’m very happy, excited. I’m really grateful for this. Really looking forward how this project would turn out, pero so far, ine-enjoy ko lang every episode,” unang sabi ni Esteban sa mediacon ng Got My Eyes On You sa Rampa Drag Club noong Martes, Setyembre 16.
“Kasi, nakatutuwa naman siya especially as someone knowing the process behind. Very fulfilling to see it actualized,” dagdag pa ni Esteban.
“Noong ginagawa rin namin ito, wala kaming idea kung ano ang kalalabasan maliban doon sa playback. Kasi, we didn’t know how short the episodes would be.
We didn’t know how long would be some of the episodes for different platforms. Buti na lang, very professional si Teban,” tugon naman ni Mikoy nang kumustahin namin ang uko sa pagbibida nila sa BL series ng Puregold.
Anim na episodes na mula sa 36 episodes ang naipalabas na sa Tiktok account ng Puregold Channel. Tatlong episodes ang ini-install kada linggo-Miyerkoles, Huwebes, at Biyernes ng 7:00 p.m.. Kaya panoorin na para makahabol sa nakatutuwang istorya ng dalawa.
Ang serye ay ukol kinaShawn at Drew na nag-umpisa bilang magkaaway, pagkaraan ay naging magkaibigan hanggang lovers.
Bukod kina Esteban at Mikoy kasama rin sa vertical BL series sina Darwin Yu, Ady Cotoco, Toniyuh, Victor Sy, at Hannah Lee, mula sa direksiyon ni Dizelle Masilungan.
At dahil BL series natanong ang dalawa kung nagkaroon ba ng ilangan. Anila, wala.
“Noong look test pa lang, noong gumawa kami ng eksena, kita ang disciplined and professional si Teban (tawag ni Mikoy kay Esteban).
“And higit sa lahat, lalo na sa mga ganitong roles, importante na secure sa pagkatao.
“So, walang room for ilangan. Madaling mag-open up agad and just to jump and dive whatever within, kasi, wala, eh. Walang inihibitions.
“Walang malisya ba. O walang kahit anong pagho-hold back dahil sa kaartehan,” ani Mikoy.
Iginiit pa ni Mikoy na confident siya sa kanyang sexual identity, orientation, or preference.
“Confident ako sa sarili ko,” anito.
Ganon din naman si Esteban na sinabing very secure siya.
“Kaya rin siguro naging madali ‘yung pag-portray namin kina Shawn at Drew. Clear sa amin ‘yung mga kailangang gampanan. Kaya naging madali, walang pag-aalinlangan,” sambit pa ni Mikoy.
Sa panahon ngayon, ang kilig ay hindi lang nangyayari sa mga coffee shop o pagkakataong magkasalubong. Minsan, nangyayari ito sa iyong For You Page. Ang pinakabagong Boy’s Love (BL) vertical series ng Puregold, ang Got My Eyes on You, ang pumalit sa TikTok, kasama ang makulay at nakatutuwang mga episode nito na nangingibabaw sa For You Pages at mga nagkokomento na humihiling ng higit pa (“next episode, please!” o “bitin naman!”).
Kaya nga nakatutok ang mga manonood sa kanilang mga screen, sabik na inaabangan kung ano ang susunod sa nakakapreskong pagkuha na ito sa genre ng BL, na nagpapasigla sa iba’t ibang audience–Gen Z, Millennials, at LGBTQIA+ community, bukod sa marami pang iba.
Sa pagtutok sa BL series, dadalhin ang manonood ng Got My Eyes on You sa S-Cape Haven Villa, isang perpektong resort na nagtatagpo ang ambisyon, pagkakaibigan, at pagmamahalan. Nasa puso nito ang dalawang karakter na nakatakdang mag-away, at maaaring umibig: si Shawn, ang misteryosong guest relations manager (Esteban) at si Drew, ang ambisyosong operations manager (Mikoy). Ang tensyon ng kanilang magkaaway na magkasintahan ay nagpapasigla sa mga comment war ng Team Shawn at Team Drew.
Kasama sina Toniyuh, ang balikbayang influencer guest, Victor bilang si Sir Trevor, at si Hannah si Moira. Sina Ady at Darwin naman ang mayayamang fashionista Kirk at events coordinator.
Ang Got My Eyes on You ay handog ng Puregold CinePanalo film festival graduates na sina direk Dizelle kasama ang director ng Photography na si Lloyd Garciano, gayundin ang Assistant Director na si Ram Tolentino at ang Production Designer na si Migo Morales.
Ito ay nagpapakita lamang na ang talentong Filipino, kapag inaalagaan, kumikinang nang husto.
Panoorin ang mga bagong episode ng Got My Eyes on You tuwing Miyerkoles, Huwebes, at Biyernes, 7:00 p.m. sa opisyal na TikTok page ng Puregold, @puregoldph.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com