Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto homemade Hamonado Bologna Sweet Garlic Longganisa

Robb Guinto business minded talaga, Robb’s Homemade Products available na

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG sexy actress na si Robb Guinto ay may maipagmamalaking ipatikim sa lahat dahil ito’y masarap, malasa, juicy, at sakto ang timpla! Ito ang kanyang homemade Hamonado Bologna & Sweet Garlic Longganisa. 

Ito ang bagong business ng masipag na aktres na tinitiyak na masosolb ang makatitikim ng kanyang ipinagmamalaking homemade products.

Sambit ni Robb, “Malasa, juicy, at sakto ang timpla. Hindi siya ‘yung tipong matamis lang o maalat lang tulad ng iba, as in balance talaga ang lasa niya. Iyong tipong kahit kanin lang katapat, solve na solve ka na.

“Siyempre, hindi mo makakalimutan ang pangalan kong ROBB… kasi kapag natikman mo ‘to, mahihirapan ka nang bumalik sa dati mong longganisa. Promise!” wika pa niya. 

Bakit niya naisipang magtayo ng longganisa business? “Kasi mula bata pa ako, longganisa na talaga paborito namin sa bahay. E sabi ko, kung mahilig kami rito, baka magustohan din ng ibang tao ‘yung timpla ko. Kaya sinubukan kong gawing negosyo at ayun, nagustohan nga ng mga tao ‘yung lasa.” 

Aniya pa, “Hindi ito ang first business venture ko. Marami na rin akong naging negosyo through the years, pero itong Robb’s Homemade Products ‘yung pinaka may personal touch ako. Bale, ako mismo ang nag-aasikaso mula sa pagtimpla, hanggang 

sa packaging, at delivery, kaya iba rin ‘yung satisfaction na nakukuha ko rito.”

Pagpapatuloy pa ni Robb, “Ang nauna kong negosyo ay piso net. Nagsimula ako sa bahay ng mama ko sa Taguig, hanggang ngayon… Tapos nagkaroon din ako sa Bulacan, this year lang po. Sa totoo lang, up to now ay patok pa rin siya talaga. Doon ko unang natutuhan kung paano mag-manage ng negosyo, makisama sa customers, at maghanap ng paraan para patuloy (siyang) kumita.

“Iyong mga lessons na iyon ang naging stepping-stone ko para mas maging hands-on at seryoso ngayon sa food business, tulad nitong masarap kong longganisa.”

Bata pa lang daw ay business-minded na siya. “Oo naman po, simula pa noong bata ako, business minded na ako. Noong nalaman ko ‘yung value ng pera, talagang naghahanap na ako nang paraan para kumita. Naalala ko rati na kung ano-anong sideline talaga ang sinubukan ko, gaya ng pagbebenta ng kung ano-ano lang po. So hanggang ngayon, heto na po ako.” 

Paano ang pag-order ng kanyang longganisa at bologna? “Madali lang po. They can order directly sa Facebook page namin – Robb’s Homemade Products. Mag-message lang sila roon at aasikasohin namin agad, para ma-try din nila ang iba pa naming mga produkto,” wika pa ni Robb na napapanood sa “Pepito Manaloto” ng Kapuso Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …