Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas sa paggunita ng Ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos nitong Lunes, 15 Setyembre, dakong 8:00 ng umaga sa makasaysayang simbahan ng Barasoain, sa lungsod ng Malolos, kasama si Associate Justice Theresa V. Mendoza-Arcega  bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Nakasama ni Associate Justice Arcega sa nasabing pagdiriwang sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alexis Castro, Punong Lungsod ng Malolos Christian Natividad, at P/BGen. Ponce Rogelio Penones, Jr., Regional Director ng PRO3 PNP.

May temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”,naging  tampok sa programa ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak at pormal na programa bilang pagbibigay-pugay sa mga naunang bayani na naghandog ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Filipinas.

Ang Kongreso ng Malolos, na unang nagtipon noong 1898, ay isang makasaysayang asembleya ng mga Pilipinong lider na bumalangkas at nagpasa ng Saligang Batas ng Malolos na siyang kauna-unahang republikang konstitusyon sa Asya na nagsilbing pundasyon ng Unang Republika ng Filipinas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …