Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero ng Ninoy Aquino International Airport o PUSO ng NAIA bilang apela sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong konsesyonaryo–ang bagong NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) upang suspindihin ang Implementation across-the-board fees hike sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na epektibo araw ng lingo Setyembre 14.

Hiling pa ng PUSO ng NAIA na magkaroon anila ng “Genuine Inclusive Consultation” kasama ang lahat ng stakeholder ng Aviation.

Ang apela ng koalisyon ay ginawa kasunod ng isang concelebrated Mass “for Guidance,Truth, and Accoutability for aviation industry officials” na ginanap sa isang Barangay sa Villamor Pasay City.

Ang nasabing Solemn Service ay pinangasiwaan nina Bishop Ben Labor, Aldrin Lieva at Agustino Tangca, ito ay testamento ng kanilang mariing paninindigan para sa mga mangagawa ng paliparan, mga pasahero at mga grupo anola na may adbokasiya na tumututol sa  sinasabing “anti-people at hindi makatarungang pagtaas ng bilang.

“In this spirit of shared responsibility, Institutions such as the NAIA airport should serve the welfare of passengers and workers, including the small businesses, and not just the interests of a few powerful corporations.” Saad ni Bishop Ben Labor

“Blessed are those who protect the people’s welfare,” Idinagdag pang pahayag kasabay ng panawagan rin sa Department of Transportation (DOTr) at NNIC para pansamantalang ipatigil ang pagtataas ng mga singil at pagkakarron ng isang diyalogo para sa mga manggagawa, pasahero at iba pang stakeholders.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …