Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Lolot de Leon MMFF coffee table book

MMFF coffee table book inilunsad, Judy Ann pinakabatang Hall of Famer  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NGITING-NGITI at hindi naitago ni Judy Ann Santos ang katuwaan nang ipakilala siya bilang youngest Hall of Famer ng Metro Manila Film Festival. Naganap ito sa book launch ng MMFF coffeetable book na 50 Years of the Metro Manila Film Festival, Limang Dekada: Sine Sigla sa Singkuwenta. 

Ginanap ang book launch sa Manila International Book Fair 2025 noong Setyembre 12, Biyernes, sa SMX Convention Center, Pasay City.

“Salamat po sa pagsabing youngest,” panimula ni Juday sa kanyang speech. “Minsan ko na lang marinig iyan.

“Kidding aside, salamat po. Napakarami kong magagandang experiences sa lahat ng mga taon na sumali ako sa MMFF mula dalaga pa ako.

“Hindi ko naisip kailanman na makararating ako sa puntong magiging Hall of Famer ako!  Nakakaloka ito!”

Sinabi pa ni Juday na, “Pero sa tiwala ng mga direktor at manunulat at mga producer na walang tigil na nagbibigay ng mga magagandang proyekto sa akin, nabuo ako nang husto sa mga pelikulang isinali rito sa MMFF.

“Maraming natutunan, maraming magagandang memories, maraming pagod ang nakamtan ko rito. Pero ‘yung pagod na napaka-worth it, kasi marami kang napapasayang mga tao.

“At masaya akong uuwi dahil maipakikita ko sa mga anak ko at asawa ko na kasama ako rito! Oo! Ha! Ha! Ha! Ha!

“As in kaunti na lang, kasimbigat na po siya ng trophy noong nakaraang 50th awards night.” 

Sa huli sinabi pa ng premyadonga aktres, “But again, sa MMDA, sir, pasalamat po at mabuhay ang pelikulang Pilipino!”

Bukod kay Juday binigyan din ng coffeetable book ang iba pang MMFF Hall of Famers tulad nina National Artist Ricky Lee, Direk Jose Javier Reyes, Ericson Navarro, Lee Briones-Meily, Roy Iglesias, at Lotlot de Leon na kinatawan ng yumaong ina na si National Artist Nora Aunor.

Napag-alaman naming si Nora ang may pinakamaraming best actress awards sa MMFF.

Ani Lotlot sa kanyang speech, “It’s an honor to be here among all the greats in our industry. Maraming-maraming salamat sa MMFF.”

“Kahit ano po, gagawin ko para sa aking nanay. Maraming-maraming salamat po sa pagpupugay once again sa aking ina na si Nora Aunor.

“At sa lahat po ng nagmamahal sa kanya at hanggang ngayon, pinag-aaralan ang kanyang sining, nawa’y maging inspirasyon po sa lahat ang naging buhay at trabaho ng aking ina.”

Dumalo rin sa book launch ang mga miyembro ng MMFF ExeComm, sa pangunguna ni MMDA Chairman Romando “Don” Artes, Direk Laurice Guillen; Boots Anson-Roa; Wilson Tieng; spokesperson ng MMF, Noel Ferrer; executive director  Atty. Rochelle Ona; FAP Director General Paolo Villaluna; Direk Joey Romero; Ms. Irene Jose at iba pa.

Sinabi naman ni Chairman Artes na ang MMFF ay tahanan ng mga kuwento at talento ng mga Filipino.

Hindi lamang ito basta festival ng pelikula. Ito ay pagdiriwang ng ating kultura, sining, at pagkamalikhain.

“Ang MMFF coffeetable book ay isang paraan upang balikan at ipagdiwang ang ating kasaysayan.

“Makikita rito ang mga larawan at kuwento ng mahahalagang sandali at tagumpay ng MMFF.

“Isa itong alaala ng nakaraan, at inspirasyon para sa hinaharap ng ating pelikulang Pilipino.

“Sana’y magsilbi itong paalala kung gaano kahalaga ang bawa’t pelikula, bawa’t kuwento, at bawa’t taong nagbigay-buhay sa ating industriya,” sabi pa ni Artes.

Nasa cover ng coffee table ang icons na sina Hilda Koronel, Christopher De Leon, Vilma Santos, Vic Sotto, Cesar Montano, Marian Rivera & Dingdong Dantes, Vice Ganda, Dolphy, Nora Aunor, atFernando Poe Jr..

Sa kabilang banda, inihayag din sa book launch ng MMFF coffeetable book na sa  Oktubre 10 gagawin ang announcement ng Final 4 entries ng MMFF 2025.

Extended ang deadline sa pagsusumite ng finished film entries para sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya sa Setyembre 30, 2025 na ang deadline, sa halip na Setyembre 15.

Magkakaroon din ng MMFF Celebrity Golf Tournament a Disyembre 9 sa Wack Wack Golf and Country Club at ang Parade of Stars ay sa Disyembre 19 sa Makati City, at ang Gabi ng Parangal ay sa Disyembre 27.

Ang coffee table book ay walong buwang ginawa na nakasama ng MMDA ang team ng ABS-CBN Publishing na sina Mark Yambot, Kristine Hernandez, Noella Fonbuena, Ian Reyno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …