MATABIL
ni John Fontanilla
IPINAGTANGGOL ni Gela Atayde, ang kapatid na si Quezon City Rep. Arjo Atayde, sa mga malisyoso at nakasisirang bali-balita kasama na ang madalas na pag-a-abroad.
Giit ng nakababatang kapatid ni Arjo, “Kuya’s busy serving, not stealing.”
Dagdag pa nito, “Kuya’s income streams are called acting [and] business, not corruption. We help because we can.
“’Pag tumulong, may hanash. ‘Pag hindi, kasalanan din. Ano ba talaga?
“His personal life? His travels? None of your business because, unlike others, we can proudly say that it’s the fruit of hard-earned money.
“Your concern is valid, but I think you have the wrong person here. Thank you.”
Sinabi pa ni Gela na hindi pinasok ni Arjo ang politika para maging maluho, kundi para magsilbi.
“A foundation can only do so much, but a congressman can push bills, fix broken systems, and make sure taxes actually go to the right places,” sabi pa ng dalaga.
Isa si Cong. Arjo sa pinangalanan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya noong Lunes, September 8, na isa sa tumatanggap ng pera para sa kanilang mga proyekto.
Pero base sa pagkakilala namin kay Cong. Arjo na bata pa ay kilala na namin, mabait at matulungin ito. Kaya aya namin na hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya, dahil pagtulong at pagseserbisyo lang ng ang gusto nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com