Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Tatlong most wanted na pugante nasakote sa Bulacan

SA SUNOD-SUNOD na pinaigting na manhunt operation ng pulisya sa Bulacan, tatlong pugante na kabilang sa most wanted person na may kinakaharap na kasong kriminal ang naaresto sa bisa ng  mga warrant of arrest kamakalawa.

Batay sa ulat ni PLt Colone Melvin M Florida Jr, acting chief of police ng Meycauayan CPS, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Meycauayan CPS, RIU 3 at PIT Bulacan East ang Top 2 City Level Most Wanted Person na si alyas Nonoy, 63 taong gulang, residente ng Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan. 

Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Statutory Rape (5 counts) na walang inirekomendang piyansa at inilabas ni Judge Olivia V. Escubio-Samar, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 79, Malolos City, Bulacan nitong Setyembre 3, 2025. 

Samantala, sa Brgy. Pajo, Meycauayan City, Bulacan ay naaresto rin ng kaparehong yunit si alias Billy, 25 taong gulang, residente ng nasabing lugar. 

Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 15 ng RA 9165 na inilabas ni Judge Elenita N.E. Macatangay-Alviar, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 121, Meycauayan City, Bulacan noong Hunyo 5, 2025.

Sa kabilang dako, sa ulat ni PMajor Norheda G. Usman, OIC ng 1st Provincial Mobile Force Company, sa Brgy. San Juan, Malolos City, Bulacan ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng 1st PMFC, Malolos CPS at 301st MC RMFB ang Top 4 City Level Most Wanted Person na si alias Nardo, 44 taong gulang, magsasaka at residente ng nasabing barangay. 

Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness na inilabas ni Judge Francisco M. Beley, presiding judge ng Family Court, Branch 4, Malolos City, Bulacan noong Agosto 12, 2025.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya ngayon ng kani-kanilang mga istasyon ng pulisya para sa dokumentasyon at nakatakdang iharap sa korte ng pinagmulan ng kaso para sa kaukulang disposisyon.

Sa ilalim ng matatag na pamumuno ni PColonel Angel L Garcillano, provincial pirector ng Bulacan PNP ay patuloy na pinaiigting ang operasyon laban sa mga most wanted persons at iba pang may kinakaharap na kasong kriminal sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …