Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Amor Lapus

Amor Lapus, idol na sexy actress si Rosanna Roces

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGBABALIK sa mundo ng showbiz ang sexy actress na si Amor Lapus na pansamantalang nawala sa eksena for health reasons.

Ito ang nabanggit sa amin ng napaka-hot na talent ni Jojo Veloso, “Dahil po need ko ingatan ang health ko, nagkaroon po kasi ako ng acid reflux na kailangang ipahinga. Bale naging praktikal lang din po ako sa sobrang sipag ko po magtrabaho kahit sa gabi… Tapos umiinom po ako, nakikispagabayan po ako hanggang sa nagkasakit ako at nagkaroon ng acid.

“Actually, one time ay muntik na po akong mahimatay at naospital po sa Makati Med. Nagbayad po ako ng malaking bill din galing sa savings account ko. Iyong pinaghirapan ko, pinang-hospital ko rin po kasi wala naman pong iba akong aasahan at ako lang, sarili ko lang ang aasahan ko para makaahon sa hirap po.”

Inusisa rin namin ang mga nagawa niyang pelikula noon sa Vivamax.

Pahayag ni Amor, “Isa po rito ay Boso Dos, directed by Jon Red. Starring sina Vince Rillon, Michaela Raz, Gold Aceron, at AJ Oteyza. Then iyong  Balik-Taya directed by Roman Perez na tampok po sina Azi Acosta, Angeli Khang, Benz Sanggalang, Kiko Estrada, at Lou Veloso.

“Tapos po iyong Lovely Ladies Dormitory, directed by Mervyn Brodial na tampok po sina Andrea Garcia, Hershie de Leon, Tiffany Grey, Julia Victoria, Yen Renee, at Shirley Fuentes.”

Ano ang pinaka-daring project na nagawa niya?

“Daring project for me ‘yung Boso Dos, kasi po iyon ‘yung una kong ginawa na talagang kailangan kong ipakita sa camera na magaling akong umarte, magaling akong magseksi na proyekto at sina Vince and AJ ‘yung nagkaroon kami ng scene na talaga namang all-in… siyempre ay ginagabayan ako ng leading men ko rito. Nandoon ‘yung kung okay lang ba sa akin ang ganito, okay lang ba ang gagawin nila, etcetera…

“Bale, nagpapaalam po muna sila kung aware ako o disagree ako sa kanilang mga gagawin, dahil bilang babae ay inirerespeto nila ako. Ako naman po, para sa ikakaganda ng movie ay okay lang po iyon sa akin.”

Nabanggit din niya ang idol na sexy actress.

Wika ni Amor, “Si Rosanna Roces po, versatile actress siya, prangka, magaling umarte, at actress talaga. Kaya paborito ko siya at walang halong kiyeme-kiyeme rin kasi siya, kumabga ay totoong tao po siya.

“Sobrang grabe ang kasikatan niya noon dahil mahusay talaga si Ms. Osang. Naaalala ko pa sa kanya noon, na agaw-eksena ang mga super-daring magagandang kasuotan niya sa award’s night.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …