I-FLEX
ni Jun Nardo
SENADOR naman ang ibinisto sa kasalukuyang nagaganap sa committee hearing ng Congress kahapon.
Nitong nakaraang araw, kongresista ang ibinuking ng mag-asawang Curlee at Sarah Dizcaya sa Senate hearing na ang may koneksiyon sa showbiz ay ang kongresistang sina Arjo Atayde at MP Vargas na kapatid ni Konsehal Afred Vargas. ‘Yung ibang idinawit na kongresista ay hindi konektado sa showbiz.
Kahapon, namayani ang senador na sina Jinggoy Estrada at Joel Villanueva na pinangalanan ni Eng’r Brice Hernandez ng Bulacan. Sangkot daw sila sa flood control projects sa Bulacan.
As of this writing, hindi na namin natapos ang pandinig.
So, denials naman mula sa idinawit na senador ang mababasa natin sa social media!
Senate versus Congress ang labanan, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com