Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan

Andrew Gan tampok sa “Florante at Laura”, hataw sa iba pang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK ang versatile actor na si Andrew Gan sa stage play na “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas.

Ayon kay Andrew, hindi ito ang unang stage play niya dahil dati na siyang sumasabak sa teatro.

Aniya, “Yes tito. I did Romeo sa Romeo and Juliet na play and Mid Summer Night ni Shakespeare. Bale iyong start ko sa teatro ay noong 2015, sa Romeo and Juliet.” 

Dito ba sa Florante at Laura ay may kantahan din?

“(Mas) more on poetry ang atake ng character, e,” maikling tugon ng aktor.

Gagampanan dito ni Andrew ang karakter ni Florante at inusisa namin ang aktor hinggil sa preparations niya rito?

“Ngayon po tito, on going ang rehearsals namin. Hindi ako dancer pero kailangan gawin para sa role.

“Kailangan din po na modulated ang boses namin and dapat kabisadong-kabisdo ang script. Kasi po walang take two sa stage play. Pero minsan hindi maiwasan na nakakalimutan iyong lines. Kaya riyan bale papasok iyong improvisation.”

Pahabol pa ni Andrew, “Actually, to be honest po tito, I did na several plays pero ito ang pinaka-challenging so far. Kasi para itong Romeo and Juliet na kailangan mong magpakilig, magpatawa, magdrama and mag-action na with matching dancing pa. Hahaha!” Nakatawang pahayag pa ni Andrew.

Ang Florante at Laura ay mula sa pamamahala ni Direk Edith Mandigma. Si Laura ay gagampanan ni Preet Singh, si Manel Maquiling bilang si Flerida, at si EJ Panganiban bilang si Aladin.

“Si Laura is a newbie actor na igo-groom ni direk Edith Mandigma,” pahabol pa ni Andrew.

Saan ito puwedeng mapanood?

“Bale, sa October 4 po ang first show namin. Tour po siya… sa Batangas, Lucena, Quezon Province, and Metro Manila,” sambit ni Andrew.

Nabanggit din niya ang iba pang projects na kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

Kuwento ni Andrew, “Right now tito, streaming sa iwant and ABS CBN online page iyong vertical drama namin na “The Heiress” and may upcoming short film po ako na lalabas, na ang leading lady ko rito ay si Rere Madrid. Ito po ay produced ng JC Premiere.”

“Sa The Heiress, ang ginagampanan ko po ay si Jong na isang delivery rider na magse-save kay Isay. Kasama ko rin dito si Rose Ginkel,” pakli pa ng aktor hinggil sa vertical drama series na pinagbibidahan nila ni Rose.

Bukod sa kanyang buhay sa showbiz, si Andrew ay isang chef, endorser, at entrepreneur.

Si Andrew ay endorser at business partner sa EcoEenergy gasoline station.

Ang kanilang bagong branch ng EcoEnergy Gas station 102 ay located sa Fernando Poe Jr., Avenue, Brgy. Paraiso, Quezon City (malapit sa Fishermall QC).

Ang iba pang branches ng gas station nila ay ang EcoEenergy Gas Station 10 – Plaridel-Pulilan Diversion Rd., Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan; at Ayle Gas Station Phase 9, sa Langit Road, Brgy. 176 Caloocan City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …