Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Joshua Garcia

Jojo Mendrez namumudmod ng pera, kinilig kay Joshua Garcia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG OPM singer at socmed personality na si Jojo Mendrez ay napapadalas ang pag-trending at ang latest ay dahil sa pamumudmod niya ng pera sa mga nakakasalubong sa escalator.

Nang una ko nga itong napanood sa FB ay nagulat ako and sure kami na mas nagulat ang mga masuwerteng madlang pipol na bigla na lang inabutan ng dating ni Jojo habang nasa escalator.

Patok na patok nga ang bagong season ng ‘EsCashLator’ ng kilalang recording artist/businessman.

Suwerte talaga ang mga nabiyayaan ng grasya dahil naglalakad lang sila, then biglang-bigla ay naaabutan na sila ng datung.

Kitang-kita nga ang reaksiyon ng mga nabigyan ng instant na biyaya from Jojo, na ang iba ay gusto sanang suwertehin talaga para makapag-uwi rin ng instant na biyaya from Jojo.

Pero ang siste talaga, dapat ay nagkataon na nagkasalubong sila at nagkalapit ang kamay ni Jojo sa kamay ng kung sino man ang mapalad na mabibiyayaan, sabay sasabihan niya ng ‘Libre Ko Na ‘To’!

Actually, in na in ngayon si Jojo dahil ang isa pang nasagap namin ay  ang viral ngayon na video ni Jojo, na napatitig at natulala kay Joshua Garcia.

Nangyari ito sa 37th Star Awards for TV na nag-present ang Revival King ng trophy para sa Male and Female Celebrity of the Night.

Ang napiling Male Celebrity of the Night ay si Joshua at ang nag-announce ng winner ay si Jojo. Nahuli sa camera na natulala siya nang makaharap nang face-to-face si Joshua at inabot niya ang cash prize.

“Hindi ako nakapagkamay at nakapag-congrats dahil hawak ko ang mic, pero nag-try siya na kamayan din ako,” sambit ni Jojo.

May mga netizen naman na nagsabi na bukod sa natulala ay kinilig din daw si Jojo.

Matatandaan na si Jojo ang na-link noon kay Mark Herras na nagkaroon ng kontrobersiya at ganoon din kay Ranier Castillo.

Incidentally, nakakuha rin ng award si Jojo that night bilang Trending Social Media Personality.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …