Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Gonzalez Mark Lopez Carlo Katigbak Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Boy Abunda

Bianca game mag-host ng talent competition, reality show 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NANATILING Kapamilya ang television at Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN sa Kapamilya Forever: Shining With Excellenceevent noong Lunes, Setyembre 1.

“Sobrang nagpapasalamat ako na hanggang ngayon, Kapamilya pa rin ako,” ani Bianca na nangakong ipagpapatuloy ang dedikasyon sa kanyang larangan.

Natutuwa rin si Bianca dahil ang ABS-CBN ang naging tahanan niya para mahasa ang  talento bilang host sa loob ng 21 taon niya sa industriya. 

Aniya, nais pa niyang masubukan ang iba pang klaseng hosting para palawakin ang kanyang signature hosting style.

“Gusto kong maging safe space nila. Gusto kong iparamdam na kaya nila akong pagkatiwalaan sa mga kwento nila. Hindi rin ako natatakot na subukan ang ibang format tulad ng talent competition o kaya reality show dahil game na game ako sa ibang hosting styles,” aniya.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at ang manager ni Bianca na si Boy Abunda.

Sa ngayon, puspusan na ang paghahanda ni Bianca para sa ikalawang season ng  Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na gaganapin ngayong taon. Abala rin siya bilang host ng iba’t ibang programa tulad ng The B Side, BRGY, at Paano Ba ‘To, na nanguna sa listahan ng Spotify Philippines Top Podcast chart nitong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …