Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Lopez

Showbiz career ni Ashley Lopez, tuloy-tuloy sa paghataw

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TILA ipinaparamdam ni Ashley Lopez ang kanyang versatility lately, dahil hindi lang sa acting sumasabak ngayon ang sexy actress kundi pati sa live entertainment.

Last week kasi ay second time na niyang nag-perfromn sa Viva Cafe at may ibubuga ang talent na ito ni Jojo Veloso sa pagsasayaw at pati sa pagkanta.

Inusisa namin si Ashley hinggil dito.

Aniya, “Nag-show na po ako sa Viva Cafe noong June, then last August 24 po ulit at nakasama ko po ulit sina Aliya Raymundo and Queenie De Mesa, at iba pa po.”

So, hindi lang siya sa acting naka-focus, pati sa sing and dance na rin?

“Yes po kumakanta at nagsasayaw din po ako kahit noong nasa high school po ako,” pakli ni Ashley.

Pagdating naman sa pelikula, patuloy na humahataw dito ang napaka-hot na si Ashley dahil kaliwa’t kanan ang movies niya.

Last August 22 ay ipinalabas na sa VMX app ang pelikulang ’69’ na isa si Ashley sa lead stars.

Nagkuwento siya hinggil sa nasabing pelikula. “Ang movie po naming 69 ay tungkol po sa anim na tao na sina Lila (Aliya Raymundo), Maya (Ashley), Ella (Queenie De Mesa), Vera (Paula Santos), Javi (Juan Calma) at Raf (Mhack Morales). Sila ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay at magbabago lang ito nang makilala nila ang isa’t isa,

“Ang role ko po rito ay si Maya na isang photographer. Siya ay walang tiwala sa mga lalaki, hanggang sa makilala niya si Raf at Ella… kaya panooring po sana ninyo kung ano ang magiging role nila sa buhay ni Maya at anong magiging role ni Maya sa buhay nila.”

Bakit 69 ang title nito?

“Kaya po 69 ang title ng movie na ito, dahil iikot po ang istorya sa kuwento ng anim na main cast at sila ay may kanya-kanyang gagampanan sa buhay ng isa’t isa,” nakangiting tugon ng talent ni Jojo Veloso.

Dagdag pa ni Ashley, “Actually po, mayroon po akong ginawa ritong sexual position na Hindi ko pa nagagawa sa mga previous movies ko at gagawin ko rin po rito yung love scene na ginawa dati nila AJ Raval at Sean De Guzman, which is nag-love scene sa eskinita na talaga pong memorable sa akin,’ wika pa niya ukol sa pelikula nilang pinamahaalan ni direk Roe Pajemna.

Nabanggit din ng aktres ang iba pang projects na dapat abangan sa kanya.

Aniya, “Abangan po ninyo and Kirot this coming September. Pati na rin po ang movie ko sa VMX Filmfest na Pagdaong. At malapit na rin po ipalabas ang Lipad exclusively on VMX App. Ito ay directed by Dennies Empalmado under the production of  Pelipula of direk Jon Red.”

Nagawa na ba niya ang kanyang dream role?

Esplika niya, “Hindi pa po dahil puro drama, comedy and sexy pa lang po ang nagagawa ko so far. Pero hoping po na magkaroon ako ng horror movie, soon.”

Bakit horror ang dream project niya?

Pahayag ni Ashley, “Feeling ko po kasi ay macha-challenge ako nang husto sa horror genre and for the past three years hindi ko pa po siya nagagawa. So, I want to get out of my comfort zone and try something new naman po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …