ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADONG na-overwhelm at hindi raw halos makapaniwala ang beauty queen-actress na si Pearl Gonzales nang sabihang bahagi siya ng MMFF 2025 entry na ‘Manila’s Finest’. Star studded ang cast nito, sa pangunguna ni Piolo Pascual.
Esplika niya, “Iyong movie po is Manila’s Finest, nag-storycon pa lang kami last week. Official entry po ito sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest Ventures and Cignal this year.
“Tampok dito sina Piolo Pascual, Rica Peralejo, Enrique Gil, Jasmine Curtis-Smith, Ariel Rivera, Joey Marquez, Cedrick Juan, Inday Fatima, and many more. Action po itong movie.”
Ang showbiz career ni Pearl ay nasa pangangalaga nina Tyronne Escalante at Jeffrey Remigio.
Inalam namin sa aktres kung first time ba niyang makakatrabaho si Papa P at ano ang kanyang masasabi sa naturang project?
Sambit ni Pearl, “First time ko po makaka-work si Piolo and I’m excited. Ang pogi pala talaga niya sa personal, kasi first time ko rin makita si Piolo.
“Overwhelming, hindi ko ma-explain… Noong itinawag sa akin iyan, honestly, umiyak ako sa manager ko – kay Sir Jeff (Remigio). Kasi hindi ako makapaniwala, kumbaga ay tears of joy po iyon.”
Ang Manila’s Finest ay mula sa pamamahala ni direk Rae Red at sa screenplay nina Moira Lang, Sherad Sanchez, at Michiko Yamamoto.
Inusisa rin namin si Pearl kung bakit nag-decide siyang magbalik-showbiz?
Tugon ng magandang aktres, “Bumalik lang po ulit ako to try, since I am into acting naman talaga from Star Magic pa lang and now under TV5.”
Ayon pa kay Pearl, seryoso siya sa kanyang pagbabalik sa mundo ng showbiz at hindi raw niya sasayangin ang opportunity na ipinagkaloob sa kanya.
Samantala, humahataw sa kaliwa’t kanang projects ngayon ang aktres.
Aniya, “Puro microdrama series po ang natapos ko. Last po yung I See You kasama ko sina Dimples Romana, Joem Bascon, Cedrick Juan, and Zion Cruz. Kontrabida po ang role ko roon.
“Plus, kakatapos lang namin i-shoot iyong Boys Love Triangle series na isa na rin ako sa starring and as kontrabida again, sa Cignalplay app po ito, directed by Bobby Bonifacio Jr. Then ‘yung movie ko with Rico Blanco na no-idea ako kung saan iri-release,” nakangiting pakli pa ni Pearl.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com