Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wrive

Wrive buo ang determinasyon na maghatid ng panibagong sigla sa P-pop scene

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HUMANGA na agad kami nang una naming narinig kumanta ang P-Pop group na Wrive sa Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbak The Concert. Ibang klase ang kanilang performance roon—sing and dance.

Kaya naman nang muli namin silang marinig at makahuntahan sa Spotlight Press Conference sa Coffee Project, Wil Tower, Quezon City, nasabi namin na malayo ang mararating ng kanilang grupo.

Talented ang lima na binubuo nina Russu, Asi, Ishiro, Drei, at Mathew, kaya naman nagdala sila ng masiglang energy na nagpasaya sa naganap na presscon.

Mula sa pagiging contestants nila sa survival show na Dream Maker, kanya-kanya nilang tinahak noon ang iisang pangarap. Ngayon, bilang WRIVE, sabay-sabay na nilang isinasakatuparan ang mga ito.

Lahat po kami dumaan sa rejection-iba-iba man ‘yung naging simula namin, pare-pareho kaming hindi sumuko sa pangarap. Pinili naming ituloy ‘yung gusto talaga naming gawin, at ‘yun ang maging isang idol at mag-perform sa stage,” bahagi ni Asi tungkol sa journey ng kanilang grupo.

Matapos ang dalawang taon na training at preparasyon, unti-unti nang nakabubuo ng pangalan sa P-pop scene ang WRIVE. Una nilang ipinakita ang kanilang talento sa pre-debut single na Hollywood sa New Gen Champs Concert noong 2024, na sinundan ng soundtrack release na Color Clash.

Opisyal na nag-debut ang grupo noong 2025 sa kanilang digital single album na binubuo ng

Ooh La La at Señorita.

Ang lead track na Ooh La La ay naglalarawan at nagpapakita ng kanilang unique sound at performance style.

Kamakailan, mas pinasaya pa ng WRIVE ang fans sa paglabas ng Ooh La La performance video sa official YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.

Proud ang WRIVE sa kanilang sariling tunog at style, bahagi ni Russu: “Sa music po namin, very Pinoy, hip-hop, swag, and sexy, pinaghalo po namin siya. Sa looks naman, may angas and very streetwear.”

Ibinahagi rin nila na mayroon silang plano na mag-release ng kanilang unang full album sa pagtatapos ng 2025. “’Yang ‘Ooh La La’ at ‘Señorita’ ay patikim pa lang,” sabi ng grupo.

Dagdag ni Russu, habang ibinibigay ang kaunting pasilip ng future plans nila. “Dadalhin namin kayo sa iba’t ibang destinasyon. Excited na rin po kaming iparinig ‘yung mga gawa namin.”

Bagama’t bago pa lamang ang WRIVE, buo na ang kanilang determinasyon na maghatid ng panibagong sigla sa P-pop scene. Nagsisimula pa lamang silang magsulat ng kanilang kwento, at tiyak na mas marami pang musika, performances, at achievements ang darating.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …